Mga dawit sa Bulacan massacre: patay, nawawala, o natatakot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dawit sa Bulacan massacre: patay, nawawala, o natatakot

Mga dawit sa Bulacan massacre: patay, nawawala, o natatakot

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 05, 2017 03:46 AM PHT

Clipboard

Pinatay at pinutulan pa ng mga daliri ang isa sa itinuturing na ‘persons of interest’ sa masaker sa Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kung saan pinatay sa saksak ang isang lola, tatlong bata at kanilang ina. May isa pang dinukot umano at di pa rin natatagpuan hanggang ngayon. Nangangamba na rin ang isa pang ‘person of interest’ para sa kaniyang kaligtasan.

Madaling araw nang makita ang bangkay ni Rolando Pacinos alyas ‘Inggo’, isa sa mga naimbitahan ng pulisya kaugnay sa pagpatay ng mag-iina at kanilang lola sa Bulacan. May nakatali sa leeg at may saksak din sa katawan si Inggo.

Nakita rin sa kaniya ang isang karatulang nagsasabing ‘adik’ at ‘rapist’. May limang krus ding nakita sa karatula. Putol din umano ang limang daliri niya sa kamay.

Inutusan na ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang PNP Region 3 na imbestigahan ang insidente.

ADVERTISEMENT

Pinuntahan ng News team ang bahay ni alyas ‘Tony’, isa sa mga itinuro ng pangunahing suspek na si Carmelino Ibañes bilang umano ay kasama niya sa krimen. Wala nang sumasagot sa bahay ni Tony.

Humarap naman sa ABS-CBN News Team para sa eksklusibong panayam si alyas ‘Bimbo’, isa sa limang ‘persons of interest’ na pinangalanan ng PNP Region 3 sa kaso ng pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya Carlos.

Ayon kay Bimbo, natakot siya para sa kaligtasan niya at ng kaniyang pamilya. Tatlong beses na rin umano siyang naimbitahan ng mga pulis tungkol sa kaso.

Giit niya, wala siyang kinalaman sa krimen. Natutulog umano silang mag-anak noong panahong sinasabing pinaslang ang mga biktima.

Ang misis at biyenan naman ng isa pang ‘person of interest’ sa kaso na si Alvin Mabesa, natatakot na rin. Ito'y matapos na dukutin umano ng mga naka-bonnet na lalaki si Mabesa nitong Biyernes.

Nagmamakaawa ang misis ng biktima sa mga dumukot sa mister na pakawalan na si Mabesa dahil hinahanap na rin siya ng kanilang mga anak. Giit din ng misis, walang kinalaman sa krimen ang mister.

Nananawagan ang pamilya ni Mabesa sa sinumang may impormasyon sa kinaroroonan niya na ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad.

-- Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.