Garin sinugod ng ilang magulang; mga 'sangkot' sa Dengvaxia, kinasuhan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Garin sinugod ng ilang magulang; mga 'sangkot' sa Dengvaxia, kinasuhan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 07, 2019 04:04 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Sinugod ng ilang magulang na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia si dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Kamara ukol sa kontrobersiyal na bakuna kontra dengue nitong Lunes.

Nagpilit ang mga magulang na lumapit kay Garin hanggang sa makapasok siya sa loob ng elevator.

Pinipigilan naman ng mga kasamahan ni Garin ang mga magulang.

Ayon sa isang sumugod na ginang, hindi umano sila hinaharap ni Garin para magpaliwanag man lang.

Sabi ng ginang, mayroon siyang dalawang anak na kapwa naturukan ng Dengvaxia.

Mangiyak-ngiyak naman ang isa pang ginang na dumikdik pa sa pintuan ng elevator nang magsara ito habang nasa loob si Garin.

Sa isang video, maririnig si Garin na tinatanong ang kasamahan kung ayos lang siya matapos pigilan ang mga nagwawalang ginang.

Sa isang panayam, sinabi ni Garin na ikinalulungkot niyang umabot sa panunugod ang isyu sa bakuna kontra dengue.

"Nakakalungkot na humantong sa pananakit, humantong sa panghahampas, humantong sa panununtok, nawawala tuloy 'yong hinaing na 'ano 'yong katotohanan?'" sabi ni Garin.

Umaapela rin si Garin na huwag sanang gamitin ang mga biktima ng Dengvaxia para magkaroon ng gulo.

"I appeal for sobriety. Those who fan the hysteria should think twice and put public welfare above all else. It's deplorable because those who were behind the commotion were just using the victims. This should stop."

ISINAMPANG KASO

Isinampa na sa Quezon City Hall of Justice ang kasong sibil ng Public Attorney's Office (PAO) laban kina Garin, ilan pang opisyal ng DOH, board of directors ng Sanofi Pasteur, ang distributor na Zuellig Pharma, at iba pang sangkot sa pagbili at mass vaccination ng Dengvaxia.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hiling ng PAO sa kanilang civil complaint: magbayad ang respondents ng higit P4.1 milyong damages dahil sa pagkamatay ng 10 anyos na si Anjielica Pestilos, isa sa mga batang namatay matapos mabakunahan umano ng Dengvaxia.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe mula sa forensic team ng PAO, kalakip ng isinampang kaso ang forensic records ni Pestilos.

Ani Erfe, hindi pa nagkaka-dengue si Pestilos nang turukan siya ng Dengvaxia.

Hindi rin daw dapat binakunahan si Pestilos dahil siya pala'y may lupus.

Isang linggo matapos mabakunahan noong Setyembre, nagkasakit at lumala ang lagay ng bata, at kalauna'y pumanaw.

Base sa forensic record, nagkaroon siya ng extensive hemorrhage o pagdurugo sa puso, sikmura, at baga bago siya namatay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ito ang unang kasong isinampa ng PAO tungkol sa isyu ng Dengvaxia at may mga susunod pa aniya silang isasampa.

Patuloy pa rin aniya ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa mga iba pang kaso ng mga batang nasawi matapos maturukan umano ng dengue vaccine.

WALANG FULL REFUND

Handa naman si Garin na harapin ang anumang reklamo dahil malinis aniya ang kaniyang konsensiya.

Mainam na rin daw na mailipat sa korte ang diskusyon para matigil na ang aniya'y alingasngas dahil sa sala-salabat na mga tanong at sagot sa kontrobersiya.

"We are ready to face any of the charges because my conscience is clear. It's better to transfer the venue of the debate in court and stop the hysteria being generated by misleading questions and conclusions."

Dati namang binanggit ni Garin na maging siya at ang kaniyang anak ay naturukan din ng Dengvaxia.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nauna nang sinabi ng Sanofi Pasteur na hindi nito ire-refund ang buong P3.5 bilyong nagastos ng gobyerno sa pagpapabakuna nito ng Dengvaxia, pati na rin ang danyos mula rito.

Nagbayad na ang Sanofi Pasteur ng P1.16 bilyon noong nakaraang buwan para sa mga di nagamit na Dengvaxia.

Pero tumanggi itong ibalik ang nagastos sa mga bakunang nagamit na.

"Agreeing to refund the used doses of Dengvaxia would imply that the vaccine is ineffective, which is not the case," saad ng Sanofi Pasteur sa isang pahayag.

(Kung ire-refund ang mga nagamit nang bakuna kontra dengue, lalabas na hindi epektibo ang Dengvaxia, gayong hindi ito ang kaso.)

Nagbanta naman ang DOH ng mga legal na hakbang laban sa pharmaceutical company kung hindi ito magre-refund nang buo at magsisimula ng indemnification fund o pondong pantustos sa danyos ng bakuna.

Inaantabayanan pa ang tugon ng iba pang respondents ukol sa isinampang kaso ng PAO.

-- Ulat nina Robert Mano, Joyce Balancio, at Mike Navallo, ABS-CBN News

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.