PANOORIN: Garin, sinugod ng ilang magulang sa Kamara | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Garin, sinugod ng ilang magulang sa Kamara

ABS-CBN News
Published Feb 05, 2018 05:00 PM PHT
|
Updated Feb 05, 2018 07:11 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Matapos ang hearing ng Kamara sa isyu ng Dengvaxia vaccine, nagkaroon ng komprontasyon sina dating Health Secretary Janette Garin at ilang mga magulang matapos magpang-abot sa labas ng hall.

Naghihihiyaw ang isang nanay na suot ang itim na t-shirt na humihiling ng hustisya matapos maturukan ng Dengvaxia ang kanilang mga anak.

Matapos mapagsarahan ng pinto ng elevator ay patuloy ang pagsigaw ng nanay na animo'y kausap si Garin na sakay ng elevator pababa.

"Harapin niya ang ginawa niya sa mga anak namin. Tatalikuran lang kami dahil mahihirap lang kami," umiiyak na sagot ng ina nang tanungin kung anong nais niyang sabihin kay Garin.

Dagdag ng kaniyang mga kasama, hiling nila ang "medical intervention" para sa kanilang mga anak na hindi man nasawi ay "napasama" ang lagay matapos magpabakuna.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Garin ukol sa insidente.