Garin: 'Nabakunahan din ang anak ko, nabakunahan ako' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Garin: 'Nabakunahan din ang anak ko, nabakunahan ako'

Garin: 'Nabakunahan din ang anak ko, nabakunahan ako'

Henry Omaga Diaz,

ABS-CBN News

Clipboard

  • Dating Health secretary, iginiit na hindi nagsimula sa termino niya ang usapan sa bakuna vs dengue
  • 'May kinalaman sa makinang gumagawa ng bakuna ang pakikipag-ugnayan sa Sanofi Pasteur'
  • Dating pangulo, gustong imbitahan sa pagdinig ng House committee

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nilinaw ng dating kalihim ng Department of Health ang ilang detalye ukol sa kontrobersiya sa pagkuha ng gobyerno sa bakuna kontra dengue.

Sa eksklusibong panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni dating Health Secretary Janette Garin na bago pa man siya umupong kalihim, gumugulong na ang usapan ng Department of Health (DOH) ukol sa bakuna kontra dengue.

"Hindi po ito desisyon na ako lang, hindi po ito sinimulan lang no'ng pagpasok ko. [In] 2014, June July, I think, [former Health] Sec. [Enrique] Ona already announced na magkakaroon ng bakuna sa dengue sa 2015, probably middle, at sinabi niya na rin na the department is contemplating putting [the vaccine] in their public health program," ani Garin.

Tingin din ni Garin, dapat mas nabigyan pa ng konteksto ang inilabas na pahayag ng Dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur ukol sa maaaring epekto nitong bakuna kontra dengue.

ADVERTISEMENT

"Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however… more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection," nakasaad sa pahayag ng Sanofi Pasteur.

"I understand the concern, at kailangan nga ito tutukan kasi maski kami galit na galit kami no'ng malaman namin ang announcement ng Sanofi [Pasteur], lalo na no'ng makita mo 'severe dengue'. Nanay din ako, anak ko nabakunahan din, ako nabakunahan din."

Pinabulaanan din ni Garin na ipinagpatuloy niya ang pagkuha ng bakuna kontra dengue kahit pa maraming tumutol dito.

"Hindi po totoo 'yon na maraming nag-object at pinilit ko. May mga expert, lahat kasi ngayon nagke-claim na eksperto sila e. Pero sino ba talaga ang totoong eksperto? The DOH is on top of the situation."

Watch more in iWantv or TFC.tv

PULONG SA PARIS

Inamin din ni Garin ang lumabas na report ng ABS-CBN News na nakipagharap siya sa mga kinatawan ng Sanofi Pasteur sa Paris, France noong Mayo 2015.

ADVERTISEMENT

Naunang sinabi ni Garin na hindi niya nakasama ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur, at tanging French Health minister ang kaniyang nakaharap.

Pero ipinaliwanag niyang nakaligtaan lang ito ng kaniyang memorya.

"Tama po 'yon no, nagkamali po talaga ako. Kasi I was being asked about a dinner that happened two years ago," ani Garin.

Nilinaw din ni Garin kung bakit nakikipag-ugnayan ang DOH sa Sanofi Pasteur.

May kinalaman aniya ito sa makinang gumagawa ng bakuna sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

ADVERTISEMENT

"Ang major purpose na tiningnan po namin ang facility [ng Sanofi Pasteur sa France] ay dahil sa RITM, mayroon pong vaccine facility tayo na gumagawa ng bakuna sa tuberculosis. BCG yata kung hindi ko nakakalimutan. No'ng pagpasok ko sa opisina, and when I assumed the post sa DOH, nagulat ako kasi hindi ito umaandar."

Dagdag ni Garin, dalawang makinang tinatayang nagkakahalaga ng tig-P400 milyon ang hindi mapagana ng RITM kaya nakipag-ugnayan ang DOH sa RITM para mabigyan sila ng kakayahang mapagana iyon.

"What was the role of Sanofi [Pasteur]?... kung puwedeng tulungan kami, at no cost to the Philippine government, na mapaandar 'yong mga makina sa RITM."

Pagdating sa France, ipinakita kay Garin ng Sanofi Pasteur ang kanilang pasilidad para sa dengue sa Lyon.

Ayon kay Garin, ipinaliwanag ng Sanofi Pasteur na kung ang katumbas na lungsod ng Paris sa Pilipinas ay ang Metro Manila, hindi dapat nasa Metro Manila ang makinang gumagawa ng bakuna.

ADVERTISEMENT

"Bottomline is, they would not say yes or no because may political implication e, kasi may existing project na hindi umaandar. Pero pinapakita nila na 'yong hinihingi mo, ipinapaayos mo ay mahirap gawin kasi nasa Metro Manila siya," ani Garin.

Giit din ni Garin, may kasama siyang kinatawan ng Department of Foreign Affairs habang nasa France siya.

"Kung mayroon akong tinatago, I wouldn't do it in the presence of DFA," sabi ni Garin.

HOUSE PROBE SA DATING PANGULO

Watch more in iWantv or TFC.tv

Handa naman ang House committee on good government na imbitahan si dating Pangulong Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III dahil dalawang beses siyang nakipagharap sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur.

Una silang nagpulong sa Beijing, China noong 2014, at sa Paris, France noong 2015.

ADVERTISEMENT

Ayon kina House committee on good government chairman Johnny Pimentel at health committee chairman Angelina Tan, nang sumalang sa pagdinig noong nakaraang taon, paulit-ulit na tiniyak ng Sanofi Pasteur sa mga komite nila na ligtas ang Dengvaxia.

Pero sa draft health committee report, lumabas na inamin na ng Sanofi Pasteur na magkaiba ang bisa ng Dengvaxia sa nagka-dengue na at hindi pa nagkaka-dengue.

Una nang sinabi sa komite ng isang doktor na dati nang may teorya na hindi dapat gamitin ang bakuna sa hindi pa nagkaka-dengue.

Pero ayon sa draft health committee report, kinontra ito ni Garin dahil hindi umano ito suportado ng ibang eksperto.

Sinegundahan din ito ng Sanofi Pasteur sa komite.

ADVERTISEMENT

Para kay Tan, walang pinagkaiba ang pag-amin ng Sanofi nitong nakaraang buwan sa naunang babala ukol sa bakuna

Tingin ni Tan, may mga itinago ang Sanofi Pasteur sa komite na dapat nilang panagutan.

Lumabas din sa pagdinig noon ng komite na tila minadali ang pagbili sa bakuna.

-- May kasamang ulat nina Gigi Grande at RG Cruz, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.