Bakuna kontra dengue, maaaring makasama sa ilan: pag-aaral | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakuna kontra dengue, maaaring makasama sa ilan: pag-aaral

ABS-CBN News
Published Nov 30, 2017 10:26 PM PHT
|
Updated Dec 01, 2017 01:36 AM PHT

Maaaring magkaroon ng mas malalang dengue infection ang mga nagpa-dengue vaccine na hindi pa nagkakaroon ng nasabing sakit, batay sa pinakahuling pag-aaral.

Naglabas ng bagong analysis ang manufacturer ng dengue vaccine na Sanofi Pasteur, base sa ilang taong clinical trial.

Batay sa pag-aaral, may benepisyo laban sa dengue ang vaccine para sa mga taong nagkaroon na ng dengue fever pero maaaring makasama ito kung itinurok sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng naturang sakit.

"Dengvaxia provides persistent protective benefits against dengue fever in those who had prior infection. For those not previously infected by dengue virus, however…more cases of severe disease could occur following vaccination upon a subsequent dengue infection," nakasaad sa pahayag ng Sanofi Pasteur.
Matatandaan na sa pamumuno ni dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, bumili ng P3 bilyon na halaga ng vaccines ang departamento para sana sa isang milyong mag-aaral.

ADVERTISEMENT
Abril 2016 nang magkaroon ng school based immunization para sa Grade 4 students sa tatlong rehiyon na National Capital Region, Region 3 at Region 4-A na may mga record na mataas na kaso ng dengue noong 2015.

Ayon kay Garin, sinunod nila ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) at nagkaroon din ng consultation sa mga WHO technical experts kung sino at anong edad ang bibigyan ng bakuna sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.

Nang umupo bilang kalihim ng DOH si Paulyn Ubial, itinuloy niya ang pagbibigay ng bakuna base sa rekomendasyon ng mga expert panel.

Ayon kay Ubial, itinuloy nila ang vaccination nang may pag-iingat, dahil alam nila na mas magiging delikado kung hindi kukumpletuhin ang tatlong dose.

Sa ngayon, hindi bababa sa 400,000 na ang nabakunahan kontra dengue pero wala pang naganap na test sa mga bata para malaman kung nagkaroon ba sila ng naturang sakit bago pa sila maturukan.

Bago pa maglabas ng analysis ang Sanofi, nagbigay na ng babala ang scientist na si Dr. Antonio Dans na dapat hinintay muna na matapos ang buong clinical trial bago ibinigay ang bakuna.

“Naniniwala kami noon na may peligro ‘pag ibibigay ‘yung bakuna sa mga pasyente na hindi pa nagkaroon ng dengue. Kailangan kapag nagkasakit, tulungan na malaman kung ano ba ‘yong sakit ng batang ‘yon,” ani Dans.

Ayon naman sa independent health advocate na si Dr. Anthony Leachon, kailangan masabihan na agad ang mga magulang tungkol dito at ma-monitor agad ang kanilang mga anak na nabakunahan.

Hiling din niya na magkaroon ng bagong policy guidelines ang DOH Food and Drug Administration.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inatasan na niya ang Dengue Technical and Management Committee na makipag-usap sa expert panel para sa mga rekomendasyon kasunod ng pag-aaral sa bakuna.

Magsasagawa rin umano ng surveillance ang DOH sa mga nabigyan ng dengue vaccine.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS CBN News
Read More:
TV Patrol
Kori Quintos
dengue
dengue vaccine
Sanofi Pasteur
kalusugan
balita
Tagalog news
PatrolPH
Paulyn Ubial
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT