19 pulis sa isang police community precinct sa Quiapo sinibak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

19 pulis sa isang police community precinct sa Quiapo sinibak

19 pulis sa isang police community precinct sa Quiapo sinibak

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinibak sa pwesto ang 19 na pulis mula sa isang police community precinct sa Quiapo, Maynila. Ang mga nasabing pulis ay di umano napigil ang pangongotong sa mga jeepney drayber sa kanilang lugar.

Ayon kay Police Brig. Gen. Leo Francisco, district director ng Manila Police District, tinanggal ang mga pulis dahil sa mga reklamong mayroon pa ring extortion sa sinasakupan nila at ang nabibiktima ay mga tsuper. Kabilang sa mga sinibak sa Palanca PCP ang mismong commander na tinawag sa headquarters para magpaliwanag.

Sa ngayon, isang officer-in-charge muna ang itinalaga sa Palanca at may dagdag na 2 teams mula sa District Mobile Force Battalion para pansamantalang tumulong sa seguridad sa lugar. Ang Palanca PCP ay may sakop sa kalahati ng Quiapo sa may lugar na Golden Mosque.

Nabanggit rin ni Local Government Sec. Eduardo Año na 2018 pa may mga kaso ng umano'y extortion sa mga jeepney driver sa lugar, partikular sa Hidalgo St. pero hanggang ngayon nabibiktima pa rin ang mga jeepney driver.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.