4 na umano'y kotong cops sa Maynila, iniimbestigahan na ng DOJ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 na umano'y kotong cops sa Maynila, iniimbestigahan na ng DOJ

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2019 10:09 AM PHT

MAYNILA -- Sumalang sa inquest proceedings ng Department of Justice (DOJ) ang 4 na pulis-Maynila matapos umano nilang kikilan ng P200,000 ang pamilya ng naarestong drug suspek.

Nahaharap sa kasong kidnapping for ransom at paglabag sa anti-torture law sina Police Corporals Nickson Mina, Juan Carlo Guzman at Francis Mikko Gagarin at Patrolman Tom Hikilan.

Nasa inquest o paunang imbestigasyon din ang isang kaanak ng nahuling drug suspek. Ayon sa kaniya, tinorture ng mga pulis ang drug suspek, isinupot at pinaghahampas daw sa ulo.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naarestong pulis, pati na rin ang kanilang mga kaanak.
Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naarestong pulis, pati na rin ang kanilang mga kaanak.
ADVERTISEMENT
[LINK: 4 na pulis-Maynila na nangikil ng P200,000 sa drug suspek, arestado https://news.abs-cbn.com/news/11/14/19/4-na-pulis-maynila-na-nangikil-ng-p200000-sa-drug-suspek-arestado]

Nahuli sa entrapment operation ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) Miyerkoles ng gabi ang mga pulis sa loob ng Baseco Police Community Precinct matapos nilang tanggapin ang marked money mula sa pamilya ng drug suspek.

Humarap ang mga pulis kay DOJ assistant state prosecutor Susan Villanueva at binigyan sila ng 10 araw para makapaghain ng kanilang kontra salaysay.

Matapos ang inquest kanina ay ibinalik sa PNP-IMEG ang mga pulis.

-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
Read More:
Tagalog news
crime
arrest
police officers
cops
extortion
drug suspect
drugs
entrapment operation
Manila Police District
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT