2 mangingisda sinagip mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 mangingisda sinagip mula sa tumaob na bangka sa dagat sa Cavite

ABS-CBN News
Published Jul 30, 2021 06:20 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Palutang-lutang na sa dagat sa may baybay sa bayan ng Ternate, Cavite ang 2 mangingisda nang makita ng Philippine Coast Guard-Cavite nitong Huwebes.

Nagpapatrolya noon ang PCG sa parte ng Barangay San Jose nang sagipin ang isang lalaki sa dagat.

Nagawa naman ng kasamahan niyang sakyan ang tumaob nilang bangka at agad na ni-rescue ng Coast Guard rubber boat.

Kinilala silang sina John Enerlan, 25, at Jessie De Ocampo, 26.
Kinilala silang sina John Enerlan, 25, at Jessie De Ocampo, 26.
ADVERTISEMENT
Pareho silang residente ng Barangay Bucana, bayan ng Naic, Cavite na nakipagsapalarang mangisda at inabutan ng malalaking alon.

Pareho naman silang mabuti na ang lagay matapos ma-rescue.

Paalala ng Coast Guard, iwasang makipagsapalarang pumalaot kapag masungit ang panahon. — Lady Vicencio, ABS-CBN News