PatrolPH

11 nasagip mula sa tumaob na bangka sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2021 11:01 PM

MATNOG, Sorsogon - Nailigtas ang 11 na tao matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Brgy. Calintaan sa bayan ng Matnog noong Miyerkoles. 

Sa report ng Matnog Municipal Police Station, mga lokal na turista ang karamihang sakay ng tumaob na bangka na papunta sana sa isang beach resort ng mga oras na iyon. 

Bigla na lang umano binayo ng malakas at malalaking alon ang bangka kaya tumaob ito na tinatayang nasa isang kilometro na ang layo mula sa baybayin ng resort. 

Agad napansin ng ilang mangingisda ang nangyari kaya agad na nasagip ang lahat ng sakay ng bangka, maliban sa mga personal na gamit ng mga ito. 

Napag-alaman ng pulisya na hindi rehistradong bumiyahe para sa mga turista ang fishing boat na ni-rentahan umano sa halagang P1,000.

Hinihintay pa ang pahayag ng tourism office sa bayan kung paano nakalusot sa pagbiyahe ng turista ang may-ari ng bangka.

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.