KBYN: Mga hindi matahimik na elemento sa lumang bahay | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Mga hindi matahimik na elemento sa lumang bahay

KBYN: Mga hindi matahimik na elemento sa lumang bahay

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Tumatak sa programang Magandang Gabi Bayan ang kuwento ng kababalaghang naranasan ng ating mga kababayan sa mga lumang bahay, abandonado man o hindi.

Sa panayam ng grupo ng MGB sa pamilya Gamo noong 1996, idinetalye nila ang pagpaparamdam ng mga hindi maipaliwanag na elemento sa kanilang lumang tahanan sa lungsod ng Muntinlupa.

Taong 1986 nang magsimula ang mga pagpaparamdam sa kanilang bahay.

10 taong gulang pa lamang si Ricky Gamo nang unang magpakita sa kaniya ang hindi niya maipaliwanag na nilalang.

ADVERTISEMENT

Bandang alas dose ng gabi habang siya ay naiidlip na at ang dalawa pa niyang kapatid na lalaki ay tulog na, may narinig siyang umiiyak.

"Parang may naaaninag akong tao kaya lang naaninag ko parang hanggang dito lang tapos naka-white siyang t-shirt na negro siya, negro. Tapos lalaki siya lalaki, kulot ang buhok niya," paglalarawan ni Gamo sa kaniyang nakita.

Nang titigan siya ng lalaking maitim ay nanlilisik ang mga mata nito at mistulang demonyo kung ngumisi.

Napasigaw na lang sa takot si Gamo hanggang sa magising ang kaniyang kapatid at mga magulang.

Nagsunod-sunod na ang pagpapakita ng lalaking itim kay Gamo.

ADVERTISEMENT

Bukod sa kaniya, nagpakita rin ang isang elemento sa kaniyang hipag na si Preciosa.

Isang black lady ang ilang beses na nagparamdam sa kaniya.

"Nakakita ako ng babaeng mahaba ang buhok, nakatingin sa akin naka-side view siya eh. Bale sumulyap lang siya eh na maano ang mata matalim. 'Yung parang may galit," paglalahad niya sa MGB.

Panoorin ang kabuuan ng Kababalaghan Klasiks na 'Haunted House' kung saan inilahad rin ang kababalaghan sa tinaguriang puting bahay na Laperal House sa Baguio City ng programang Magandang Gabi Bayan na binalikan ni Kabayan Noli de Castro.

Huwag rin palalampasin ang mga bagong makapanindig-balahibong kuwento ng kababalaghan na ilalahad ni Kabayan sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo, Oktubre 30, 2022, 5 p.m. sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.