KBYN: Katatagan ng mga kamay ng Tatay na PWD | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Katatagan ng mga kamay ng Tatay na PWD

ABS-CBN News
Published Oct 17, 2022 01:23 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ginagamit ng 54 taong gulang na si Alfredo Belas ang kaniyang mga kamay sa pagpepedal ng sidecar sa tuwing mangangalakal sa Quezon City.

Wala nang kakayanang makapaglakad si Belas simula noong kaniyang kabataan.

"Hindi naman ako ipinanganak na ganito. Pero nu'ng bata pa ako, bigla sumakit itong kalahating katawan ko. Buti na lang hinilot ng lola ko, kaya kahit paano nakakatayo ako. Sabi ng doktor, wala na talagang pag-asa," paglalahad niya sa KBYN.

Tubong Samar si Belas at napadpad sa Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Pero naging mapait ang tadhana nila sa siyudad.

ADVERTISEMENT
"Pitong taon pa lang ako noon, isinama ako ng mga magulang ko dito. Pero mahirap din talaga ang buhay dito. Namatay ang mga magulang ko. Watak-watak kaming mga magkakakapatid," ani Belas.

Dahil sa pisikal na kalagayan, hirap na rin siyang makahanap ng ibang pagkakakitaan. Kaya ang pangangalakal ang nakita niyang paraan para mabuhay.

Ang asawa naman niyang si Erlinda, gustuhin man makatulong sa asawa ay may iniinda ring problema sa mata at katawan.

Nais na sanang tumigil ni Belas sa pangangalakal pero naudlot ito dahil sa ilang pangyayaring dumurog sa kaniyang puso.

"Diyan ko na binuhay ang pamilya ko. Ang mga anak ko, diyan ko napag-aral. Pero 'yung panganay ko, hindi nakapagtapos dahil nag-asawa. 'Uung bunso ko naman, nakapagtapos ng HRM pero hindi nakapagtrabaho dahil nalaman kong buntis. Kaya itinuloy ko na lang, nagpursige na lang ako," emosyonal na pahayag niya.

Kumpiyansa naman si Belas na napalaki niyang matatag ang mga anak na sina Rosalinda at Berna.

Ipinagpapasalamat niyang kahit paano’y maayos ang pakikisama ng mga naging kabiyak nila.

Bilang tulong sa pamilya Belas, nag-abot ng munting regalo ang KBYN sa kanila gaya na lamang ng ilang sako ng bigas at grocery items.

RELATED LINKS:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT