KBYN: Single father, pyrography artist na, delivery rider pa | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Single father, pyrography artist na, delivery rider pa

KBYN: Single father, pyrography artist na, delivery rider pa

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Itinataguyod ng single father na si Edison Billones, Jr. ang kaniyang dalawang anak sa pagiging pyrography artist at pagiging delivery rider.

Ang pyrography ay hango sa dalawang salitang griyego na 'pyro' na ang ibig sabihin ay 'fire o apoy' at 'graphos' na nangangahulugang 'to draw o gumuhit.'

Kilala rin ang pyrography bilang "painting with fire."

"Binata pa po ako nu'ng nag-umpisa ako. Nu'ng dati, 'yung sa mga prutasan 'yung mga palo china, 'yung box nu'n, binabaklas ko 'yun. Du'n ako nagtetesting, nagdrawing mga super hero muna. Ginagaya ko lang 'yung sa komiks," kuwento ni Billones sa KBYN.

ADVERTISEMENT

Dahil sa mahabang proseso sa pagbuo ng isang obra, dumedepende sa disenyo at sukat ng kahoy ang presyo ng bawat pyrography art.

"Nagstart 'yan. P1,500.00 'yung maliit then 'yung mga malalaki, P3,500.00 to P5,000.00 Depende rin sa wood na gagamitin. 'Yung mga hard wood tapos makakapal, kasi bihira makakuha nu'n, mga malalaking size, 'yun pumapalong P5,000.00 'yun to P6k," ani Billones.

Naging maayos ang kita niya noon sa kaniyang sining pero nagbago ang lahat nang siya ay magkaroon na ng sariling pamilya.

Nagpasya muna siyang huminto sa kaniyang sining.

Taong 2018 hindi inaasahang maghiwalay sila ng ina ng kaniyang mga anak at naiwan sa pangangalaga niya ang mga bata.

ADVERTISEMENT

Para maitaguyod ang pangangailangan ng mga anak, napilitan siyang iwan ang mga ito sa isang shelter sa Cavite.

Matapos ang sampung buwan ay nakuha rin naman niya ang mga bata pero kinailangan na niyang isama ang mga ito sa kaniyang trabaho.

"Nabigyan ako ng trabaho sa sementeryo, dinadala ko sila doon. Pero doon na rin kami inabutan ng lockdown, hindi kami nakauwi at napilitan kaming doon tumira," paglalahad ni Billones.

Napagkalooban ng isang bisikleta si Billones ng nakilala niya online at ginamit niya para maging delivery rider sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Pero nang magluwag naman ang quaratine protocols, huminang muli ang kaniyang kabuhayan.

ADVERTISEMENT

Nakapanayam ni Kabayan Noli de Castro si Billones, kaniyang dalawang anak at nag-abot ng mga munting regalo para sa kanila.

Personal naman niyang iniabot kay Kabayan ang kaniyang pyrography art.

Nakabibilib ang katatagan ni Billones na lumaban para sa kaniyang mga anak pero bakas pa rin ang nagtatagong pagmamahal sa kanyang sining.

"Lahat naman tayo nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay pero huwag tayong susuko. 'Yung naging inspirasyon ko talaga 'yung mga anak ko. Lahat gagawin ko para sa mga anak ko," pagbabahagi ni Billones.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad