KBYN: Balot vendor naka-imbento ng 'drum car' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KBYN: Balot vendor naka-imbento ng 'drum car'

KBYN: Balot vendor naka-imbento ng 'drum car'

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 26, 2022 09:37 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Naimbento ng balot vendor na si Rolando Barreintos ang tinatawag niyang 'drum car,' sasakyang gawa mula sa iba't ibang scrap materials sa Valenzuela City.

"Nagsimula ako ng panahon ng pandemic, unang-una hirap sumakay, pangalawa mahirap makipagsiksikan dahil sa takot nga natin sa COVID virus na 'yan na baka mahawa rin ako o aking pamilya kaya nag-isip ako ng iba pang puwede kong gamitin na sasakyan na pansarili ko lang bagamat wala naman akong kakayahang bumili ng mga sasakyan na mamahalin," kuwento niya sa KBYN.

Drum car na gawa ng balot vendor na si Rolando Barrientos.
Drum car na gawa ng balot vendor na si Rolando Barrientos.

Mula sa gulong, upuan, manibela, pati na rin makina ay galing sa mga pinaglumaang gamit.

Mas nakapupukaw ng atensyon sa sasakyang ito ay ang pinaka-katawan nito na mula sa isang lumang drum.

ADVERTISEMENT

"Nu'ng panahon po kasi nag-assemble ako, wala po talaga akong mabilhang piyesa. 'Yun drum po na naka-stock sa bahay. Inuna ko muna siyang binutas. Tiningnan ko kung kakasya ako sa loob, nu'ng kasya ako sa loob, baka puwede ko muna itong gamitin pansamantala para mapatakbo ko lang yung binubuo ko," ani Barrientos.

Dahil sa bago at kakaiba ang kaniyang imbensyon, nag-viral noon sa social media ang unang drum car na kaniyang ginawa.

Dito siya nakilala ng isang farm owner na nagpagawa naman sa kaniya ng ikalawang drum car.

Dahil sa mga nabuong drum car, nagkaroon ng kaunting puhunan si Barrientos para naman makapagsimula ng isa pang pagkakakitaan, ang pagcustomize ng mga furniture.

Katuwang na rin niya ngayon sa paggawa nito ang kaniyang mga anak.

Hindi pa rin pinapabayaan ni Barrientos ang tuloy-tuloy na pagbebenta ng balot na siyang bumuhay sa kaniyang pamilya.

Katunayan, gamit na niya ang drum car sa pagbebenta.

"Sa awa naman po ng Diyos, naitataguyod ko naman po 'yung pamilya ko ng maayos, naibibigay ko naman po sa ngayon yung mga pangangailangan nila," kuwento niya.

Minsan na ring pinagdudahan ng ibang tao ang imbensyong ito ni Barreintos pero hindi siya nagpadaig dito at pinatunayan na maganda ang silbi nito at pinatotohanang "may pera sa basura."

"Ako ang pangarap ko po sana maging successful po talaga 'yung paggawa ko ng drum car at patuloy pa rin po na sana, pagpalaing lumago 'yung anumang hanapbuhay na itinataguyod ko," ani Barreintos.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.