Sibuyas, sili, itlog na maalat bouquet sa Dangwa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sibuyas, sili, itlog na maalat bouquet sa Dangwa

Sibuyas, sili, itlog na maalat bouquet sa Dangwa

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Dati ay uso ang kasabihang "say your love with flowers", pero sa hirap ng buhay, pati regalo sa minamahal ngayong parating na Valentine's Day ay praktikal na.

Sa Dangwa Market sa Maynila, binebenta ng isang tindahan ang mga dried flower bouquet na may kasamang sibuyas, sili, o bawang.

Mayroon pa gawa sa itlog na pula na may kasamang sili at kamatis.

Sa ngayon, mabibili ang bouquet ng P500. May tinda din sila na arrangements na may halong chocolates sa presyong P750, habang ang may alak ay nasa 850.

ADVERTISEMENT

Kung dried flowers lang ang hanap, naglalaro sa P500-P1,500 ang mga paninda depende sa arrangement. Pwede din bumili ng "fossilized rose" kada piraso sa presyong P60.

Ang "wood flower" naman ay nagsisimula sa P50 kada bundle, depende sa laki. Mayroon din ditong naka-kahon na preserved roses na mabibili ng P900.

Ayon sa nagtitinda, tulad ng dried flowers, magtatagal ito ng higit isang taon.

Kung plantito o plantita ka, may ilang tindahan rin dito na nag titinda ng orchid sa halagang P850.

Ayon sa mga nagtitinda, tuwing Valentine's Day, kahit pa noong kasagsagan ng pandemya, pinakamabenta pa din sa kanila ang mga rosas.

Sa ngayon, ang isang bundle ng China rose ay nasa P1,800. Ang isang bundle naman ng Ecuadorian rose ay nasa higit P3,000.

Samantala nasa P1,200 naman ang local na rosas kada bundle.

Mas makakatipid rin kung gagamit ng imahinasyon at creativity para sa regalong pasok sa banga para sa mga nagmamahalan sa darating na Valentine's Day. - Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.