Presyo ng karneng baboy sa NCR posibleng tumaas dahil sa oil price hike | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng karneng baboy sa NCR posibleng tumaas dahil sa oil price hike

ABS-CBN News
Published Oct 28, 2021 10:11 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Nagbabala ang isang grupo na posibleng tumaas ang presyo ng karneng baboy sa Metro Manila dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

"Sa tingin ko, tataas pa 'yan. This coming week baka another P20. So, P40 itong buwan na ito," ani Samahang Industriya ng Agrikultura president Rosendo So sa panayam sa TeleRadyo Huwebes.

Hiling ng grupo sa pamahalaan na tanggalin ang taripa para bumaba ang presyo ng petrolyo.

"Kung tatanggalin ito, hindi lang 'yung magbababoy, 'yung mga farmers, pati 'yung mga consumers at mga nagta-transport ng food [ang matutulungan]," ani So.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2020 ang Executive Order 113 kung saan tinaasan ng 10 porsiyento ang taripa ng mga produktong petrolyo.

Nitong Oktubre 26, tumaas na naman ang presyo ng petrolyo sa bansa.

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, P0.30 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa diesel, at P0.50 hanggang P0.60 ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Maglalaro naman sa P1.10 hanggang P1.50 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

Read More:
TeleRadyo
Tagalog news
karneng baboy
pork
meat
baboy
price
oil price hike
Samahang Industriya ng Agrikultura
Sinag
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT