MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Ano ang pakinabang ng ‘duck, cover, hold’ tuwing lindol?
ABS-CBN News
Posted at Sep 11 2023 11:36 PM
MANILA - Patuloy pa ring pinaghahandaan ang posibleng pagtama ng lindol, hindi lang sa Metro Manila at karatig-probinsya, kundi ibang bahagi ng bansa.
Pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nationwide simultaneous earthquake drill partikular sa mga tanggapan ng gobyerno.
Unang aksyon sa mga earthquake drill ang 'duck, cover, and hold' na nagbibigay-proteksyon mula sa mga bumabagsak na bagay at gumuhong istraktura.
Ayon sa NDRRMC, nagbibigay rin ito ng sapat na panahon para mag-isip at mag-obserba kung ligtas na ang paligid.
Nagpapaalala ang gobyerno na seryosohin ang mga earthquake drill dahil paraan ito ng pagligtas ng buhay.
– Ulat ni Robert Mano, Patrol ng Pilipino