Patrol ng Pilipino: Baha at putik sa San Antonio, Zambales dala ng habagat at bagyong Falcon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Baha at putik sa San Antonio, Zambales dala ng habagat at bagyong Falcon

Patrol ng Pilipino: Baha at putik sa San Antonio, Zambales dala ng habagat at bagyong Falcon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Binaha at nabalot ng putik ang kabahayan sa isang barangay sa bayan ng San Antonio sa Zambales dala ng matinding ulan na dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.

Ayon sa mga residente ng Purok 5, Barangay San Miguel mabilis ang pagtaas ng tubig at umapaw ang ilog noong Sabado, July 29, kaya hindi na nila naisalba ang karamihan sa kanilang mga gamit.

Lumikas ang mga residente sa katabing kalsada at doon pansamantala naninirahan. May mga ilan namang bumalik na sa kanilang mga bahay para simulan ang paglilinis.

Noong nakaraang linggo lamang nanalasa ang super bagyong Egay sa hilagang Luzon. Tinatayang nasa halos P6-bilyon halaga ang nasira ng bagyo.

ADVERTISEMENT

–Ulat ni Jeff Caparas, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.