FACT CHECK: Guanzon, walang sinabing 'hindi well educated' si Robredo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Guanzon, walang sinabing 'hindi well educated' si Robredo

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published May 23, 2022 04:20 PM PHT

Hindi totoong sinabi umano ni dating Comelec commissioner Rowena Guanzon na “hindi well educated” si Vice President Leni Robredo.

Taliwas ito sa pamagat at paratang ng isang video na inupload ng “JMDrake Tv” channel sa YouTube.

Sa simula ng video na pinamagatang “ROWENA GUANZON sinabing hindi WELL EDUCATED si LENI ROBREDO,” maririning ang isang voiceover o pagsasalaysay na: “Rowena Guanzon, bumaliktad na. Tinawag na hindi well educated si Leni Robredo.”

Pero kung panonoorin ang buong video, wala namang maririnig na may sinabing ganito si Guanzon.
Pero kung panonoorin ang buong video, wala namang maririnig na may sinabing ganito si Guanzon.
ADVERTISEMENT
Ginamit lamang ni JMDrake Tv ang isang bahagi ng panayam kay Guanzon na inilabas ng SMNI News sa kanilang programang Weekender World noong Mayo 14.

Sa nasabing video, makikitang sinasagot ni Guanzon ang tanong ng isang reporter tungkol sa pagkakamayan nila ni Ilocos Norte Representative-elect Sandro Marcos, panganay na anak ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang tanging maririnig na sinabi ni Guanzon sa video:

“Kinamayan ko rin siya. Well, we are all well-educated people, and we all come from very good families. We should be… we should have the interest of the coun—of the nation in the heart above all.”
Kuha ang video sa isang pagtitipon sa Makati ng Party-List Coalition Foundation na dinaluhan ng mga nakaupo at mga papasok na party-list groups sa padating na Kongreso. Dito inendorso ng koalisyon bilang susunod na Speaker ng House of Representatives si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ni Marcos Jr.

Ikinampanya ni Guanzon ang Pamilya, Pasyente, at Persons with Disabilities (P3PWD) party-list. Pero wala pa siya sa listahan ng mga nominee nito hanggang noong nakaraang linggo, ayon sa Comelec.

Bago magretiro mula sa Comelec si Guanzon noong Pebrero, siya ang tanging commissioner na bumoto upang idiskwalipika si Marcos sa pagtakbo nito sa pagkapangulo dahil sa hindi nito pagsumite ng income tax returns sa loob ng ilang taon noong dekada ’80.

Matapos siyang magretiro sa komisyon, nakilala si Guanzon bilang isa sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ni Robredo noong kampanya nito sa pagkapangulo. Mariing tagabatikos rin siya ng mga Marcos.

Sa ngayon, ang video ukol kay Guanzon ay mayroong 2,791 views at 84 likes. Karaniwang pabor sa mga Marcos ang nilalaman ng mga video na mapapanood sa JMDrake Tv YouTube Channel.

— With research from Yev Monarquia, ABS-CBN Investigative & Research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.
Read More:
Rowena Guanzon
Speaker of the House
Sandro Marcos
Ferdinand Martin Romualdez
Bongbong Marcos Jr.
Leni Robredo
Misinformation
Disinformation
Fact Check
ABSCBN Investigative and Research Group
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT