Kalayaan, utang na loob kay Ninoy? Walang sinabing ganito si Kris sa Robredo rally | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kalayaan, utang na loob kay Ninoy? Walang sinabing ganito si Kris sa Robredo rally

Kalayaan, utang na loob kay Ninoy? Walang sinabing ganito si Kris sa Robredo rally

ABS-CBN Investigative and Research Group

 | 

Updated Mar 28, 2022 09:34 PM PHT

Clipboard

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/03/28/fastcheck.png

Walang binanggit si Kris Aquino tungkol sa umano'y utang loob ng mga Pilipino sa kaniyang ama, sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan noong nakaraang linggo.

Taliwas ito sa Facebook post ni “JUAN as ONE” kung saan makikita ang larawan ni Aquino habang nagsasalita sa “PUSO: Tarlac Grand People’s Rally” noong Marso 23. Nilagyan ito ng caption na “UTANG NIYO SA AKING AMA ANG KALAYAANG TINATAMASA NINYO NGAYON.”

Matatandaang surpresang nagpunta si Aquino sa rally sa kabila ng kaniyang iniindang karamdaman.

Ang tanging sinabi ni Aquino sa rally na patungkol sa utang na loob ay ang mga sumusunod.

ADVERTISEMENT

“Sorry sinabihan akong huwag makipag-away pero nabubwisit po talaga ako. I'm sorry na hindi ako 'yung mabait na Aquino. Ako lang po ang ganito sa pamilya na sasabihin ang totoo dahil nakakabuwisit talaga 'yung walang utang na loob.”

“…Ako po marunong tumanaw ng utang na loob, and ito po, deadma na sa kanya, carebears!”

“…Didiretso po ako, ako po 'yung unang nag-endorse kay VP Leni noong 2016. Why did I do it? Kasi may utang na loob ako kay Mayor Jess na naging Secretary Jesse.”

Naka-upload sa website ng opisina ni Robredo ang transcript ng mga pahayag ni Aquino.

Dati nang kumalat sa social media ang diumano’y pagpapasaring ng TV host at aktres tungkol sa utang na loob ng mga Pilipino sa kaniyang ama, ang pinaslang na dating Senador Benigno Aquino Jr.

Nagsimula ito noong gawan ng artikulo ng Abante Tonite noon pang Nobyembre 29, 2017 ang isang Instagram post ni Kris na may headline na “Kalayaan ng Pinoy utang kay Ninoy – Kris”.

ANG TOTOONG SINABI NI KRIS

Noong Nobyembre 27, 2017, sa okasyon ng ika-85 kaarawan ng kaniyang ama, nag-post si Kris ng isang video, na ayon sa kaniya ay ang kaisa-isang televised interview ni Ninoy noong panahon ng martial law.

“I rewatched my dad’s only televised interview during the Martial Law years, ’granted’ to him March of 1978,” ayon sa post ni Kris.

Ipinost niya ito bilang sagot sa mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kaniyang ama at mga sumusubok na baguhin ang kasaysayan ng bansa.

Kabilang si Ninoy sa mga kritiko ng batas militar sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Isa ang kaniyang anak at kapangalan sa mga katunggali ni Robredo sa pagkapangulo sa Mayo.

Saad ni Kris sa isang bahagi ng kaniyang Instagram post, “Try as you may, #fakenews folks- you cannot rewrite history.

”And the truth is you do owe this man the fact that you have FREEDOM OF SPEECH, FREEDOM OF EXPRESSION & FREEDOM OF THE PRESS TODAY- because he had the balls to actually DIE for his country- in super clear language, HINDI SYA INURUNGAN NG BAYAG KAHIT ALAM NYA NUNG PABABA SYA NG EROPLANO NA BABARILIN NA SYA SA TARMAC ng AIRPORT,” patungkol ni Kris sa kaniyang ama.

“Now u realize- nananahimik eh, ginulo nyo w/ your insulting wrong subject verb agreement post,” dagdag niya.

Mula pa noong 2017 ay ilang beses nang kumalat sa social media ang nasabing mga kataga. Nasuri na rin ng Fact Check Philippines ang maling impormasyon na ito noong nakaraang taon.

Sinubukan ng ABS-CBN Fact Check Team na kumuha ng komento mula kay Kris patungkol sa kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kaniya pero hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag.

Sa ngayon ay mayroon nang 52,000 reactions, 19,000 comments at 37,000 shares ang nasabing Facebook post ng “JUAN as ONE.”

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.