FACT CHECK: Peke ang mga video na nagsasabing galit si Vice Ganda sa Gonzaga sisters | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Peke ang mga video na nagsasabing galit si Vice Ganda sa Gonzaga sisters

Ann Charrize Calusa,
ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Feb 15, 2022 02:40 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:53 PM PHT

Kumakalat ngayon sa social media ang mga pekeng video na nagsasabing galit diumano si Vice Ganda kay Toni Gonzaga dahil sa pagho-host nito ng proclamation rally ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand. "Bongbong" Marcos, Jr.

Galit rin umano, base sa mga video, si Vice sa kapatid ni Toni na si Alex dahil sa pagsuporta rin umano nito sa kandidatura ni Marcos at ng kaniyang ka-tandem na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa unang bahagi ng isa sa mga pekeng video na kumakalat sa YouTube at Tiktok, mapapanood ang isang video clip ni Vice Ganda kung saan nagbibigay siya ng kaniyang karaniwang introduksyon sa mga vlog niya: “What’s up, what’s up?! What’s up mga ka-GV [good vibes]? Are you GV there?”

Karugtong nito, sinabi ni Vice na, “because right now I’m not so GV.”
Karugtong nito, sinabi ni Vice na, “because right now I’m not so GV.”
ADVERTISEMENT
Ito ang ikinonekta ng pekeng video sa diumano’y pagkadismaya ni Vice sa magkapatid na Gonzaga.

Pero ang video clip na ito ay kinuha lamang sa isang lumang vlog ni Vice na naka-upload sa official Youtube Channel niya mula pa noong April 8, 2021. Panoorin dito ang orihinal na video na may titulong “CHOPPY CHOPPIHAN PRANK CALL Feat. Angeline Quinto and Negi.”

Makikita sa pinagtabing screencap na ito kung paano pineke ang orihinal na video clip ni Vice Ganda. Sa pinekeng video (kanan), makikitang isiningit ang larawan ni Toni, samantalang wala naman ito sa orihinal na video (kaliwa).

Sa pekeng video, sinundan ang introduksyon ni Vice ng isang voice over na nagsasabing “galit na galit si Vice Ganda kina Alex at Toni Gonzaga sa kadahilanang sumusuporta ang Gonzaga sisters kay BBM.”

Sa isa pang bersyon ng pekeng video na kumakalat sa Tiktok, makikita naman ang pinagtabing larawan ni Vice at ng dating PBB host na si Toni. Nilapatan ito ng teksto na, “We all have the right to choose, so please respect Toni’s decision as well.”

Pinabulaanan na ni Vice na sinabi niya ito.

Umabot na sa 465,000 views ang isa sa mga pinekeng Youtube video na inupload ng account na “For You” noong February 10 na may titulong “Vice Ganda REACTS to Toni Gonzaga Bongbong Marcos Hosting!”

Pinabulaanan ni Vice Ganda ang mga pekeng video at maling impormasyon na kumakalat tungkol sa kaniya sa kaniyang official Twitter account noong February 11.

“Andaming fake news at wrong informations (sic) sa TIKTOK! Haaaay!!!! Mga contents na pagaawayin ang mga tao. Uudyokin kayo para magalit. Andaming masamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima,” ang sabi ni Vice sa kanyang Tweet kalakip ang screenshot ng pekeng video.

Andaming fake news at wrong informations sa TIKTOK! Haaaay!!!! Mga contents na pagaawayin ang mga tao. Uudyokin kayo para magalit. Andaming masamang tao na lalong pinagugulo ang mundo. Wag kayong pabiktima. pic.twitter.com/IatmwHJBax
— jose marie viceral (@vicegandako) February 11, 2022

Kasunod nito ang isa pang tweet ni Vice kung saan pinaalalahanan niya ang mga netizens na maging mas mapanuri sa mga nababasa at napapanood sa social media.

Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng ibat ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video. Ang evil! Tapos yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama. Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan.
— jose marie viceral (@vicegandako) February 11, 2022
Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng ibat ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video. Ang evil! Tapos yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama. Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan.
— jose marie viceral (@vicegandako) February 11, 2022
“Sobrang rampant na yung dumudukot sila ng ibat ibang clips from different sources tapos tinatahi para makabuo ng isang peke at maling video. Ang evil! Tapos yung mga tao naman nahuhulog sa patibong at nagko-comment ng masasama. Maging mas mapanuri sa mga contents na paniniwalaan.”

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project, which supports different news organizations in building their fact-checking capacity to meet international fact-checking standards.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT