'All-PH grand finals sa M3, patunay na nangunguna ang PH sa ML' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'All-PH grand finals sa M3, patunay na nangunguna ang PH sa ML'

Angela Coloma,
ABS-CBN News
Published Dec 19, 2021 10:41 AM PHT

SINGAPORE - Parehong mga koponan ng Pilipinas ang maglalaban sa Grand Finals ng Mobile Legends: Bang Bang World Championships (M3) dito.

Para kay Blacklist head coach Kristoffer "Bon Chan" Ricaplaza, patunay ito na ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa laro.

"I'm so happy that everywhere in the world, when you hear Mobile Legends, the first thing that will come to their minds is the strongest [country] which is the Philippines. We proved it. Right now, there's two Filipino teams in the Grand Finals," aniya matapos talunin ang BloodThirstyKings sa kanilang laban nitong Sabado.

Halos mga sweep ang naging labanan ng mga koponan ng Pilipinas sa M3.

ADVERTISEMENT
Ang Blacklist, na-sweep ang group stages bago matalo sa iskor na 3-2 kontra BloodThirstyKings.

Matapos noon, dinomina nila ang kanilang mga laban kontra Onic Indonesia, RRQ Hoshi, EVOS SG, at nakapaghiganti sila kontra BTK para makapasok sa Grand Finals.

Ang Onic PH naman, matapos ang talo kontra Onic Indonesia ay walang naitalang talo mula group stages hanggang sa makatungtong sa Grand Finals.

Maglalaban ang dalawang koponan sa Grand Finals ng M3 alas-5 ng hapon ng Linggo sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Centre.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT