Crispy pata buff? Tamang kain, tulog susi umano sa panalo ng ONIC PH vs. RSG SG | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Crispy pata buff? Tamang kain, tulog susi umano sa panalo ng ONIC PH vs. RSG SG

Crispy pata buff? Tamang kain, tulog susi umano sa panalo ng ONIC PH vs. RSG SG

Angela Coloma,

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy: Moonton games
Courtesy: Moonton games

SINGAPORE - Dinomina ng Onic PH ang RSG Singapore para makapasok sa upper bracket semifinals ng M3 World Championships.

Kaakibat niyan, nakakuha sila ng mainit na suporta sa kanilang fans, na nagbigay pa umano sa kanila ng pagkain bago ang kanilang laban.

Sabi ni Gerald "Dlarskie" Trinchera, ito ang ilan sa mga susi ng kanilang pagkapanalo kontra sa koponang may maituturing na homecourt advantage.

"Siguro kaya namin na 3-0 ang kalaban kasi maganda 'yong tulog namin tapos nakakain nang marami si Baloy [Allen "Baloyskie" Baloy]," ani Dlarskie sa panayam matapos ang laban.

ADVERTISEMENT

Sa hiwalay na panayam, sinabi pa ni Dlarskie na napakalaking bagay ng mga natanggap nilang mga ganitong suporta sa fans.

"Sobrang natuwa kami nung binigyan kami ng Filipino food kasi parang araw-araw pare-parehas na lang yung kinakain namin. Tapos parang nagke-crave na talaga kami. Yung isa ko kasing kakampi mahilig po talagang kumain," ani Dlarskie.

Bago ang laban, sinabi ni Baloyskie na kumain umano sila ng iba't ibang Pinoy food na dala ng kanilang fans.

"Chopsuey, fried chicken, crispy pata, kaldereta. Yummy, yummy. [That's why we looked] so pumped up," ani Baloyskie bago ang kanilang laban.

Sunod na makakalaban ng Onic PH ang kung sino man ang mananalo sa laban ng RRQ Hoshi ng Indonesia at ng Todak ng Malaysia - dalawa sa pinakamalakas na koponan sa M3.

Para naman kay Dlarskie, hindi sila magpapakampante.

"Sobrang saya ko pero hindi pa rin kami nagpapakampante dahil mahirap ang next na makakatapat namin," ani Dlarskie.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.