MPL Season 10: Echo PH bitbit ang gigil ngayong season | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MPL Season 10: Echo PH bitbit ang gigil ngayong season

Angela Coloma,
ABS-CBN News
Published Aug 17, 2022 01:25 PM PHT
|
Updated Aug 17, 2022 01:36 PM PHT

MAYNILA - Tila bumabangon na ang Echo Philippines matapos matanggal sa unang stage ng MPL Philippines Season 9 playoffs, lalo't napanalunan nila ang unang laban nila ngayong Season 10.

Giit ng gold-laner na si Fredric "BennyQT" Gonzales na naging pag-aaral sa kanila ang nangyari noong nakaraang season. Aniya, naging daan ito para mas "manggigil" sila na manalo sa MPL Season 10.

"Siguro dahil yung pagkatalo namin sa playoffs kahit nasweep [kami] hindi namin tinake as negative parang mas nanggigil kami para tumungo dito sa Season 10. So lesson siya talaga eh," ani BennyQT matapos ang kanilang panalo kontra Onic Philippines nitong Linggo, Agosto 14.

Mahigpit ang naging labanan ng dalawang koponan na parehong may nais patunayan ngayong season, at ang clutch plays ni BennyQT noong Game 3 ang nagdala sa kanila sa panalo, kahit na mas kontrolado ng Onic ang mapa sa clincher round.

Tila pagbabago ito sa Echo Philippines na nagkaproblemang maibaligtad ang mga match kung saan nalulugi sila sa early game -- bukod pa sa balasahan ng kanilang main five roster na noo'y binansagang "super team."

Paglalahad ng gold-laner na mas nagkakaisa na sila sa galaw nila ngayong season, na pag-aaral umano na nakuha nila noong Season 9.

"As one na talaga kami ngayon eh like kung tatapang yung isa, tatapang lahat. Kung out isa, out talaga lahat unlike siguro maraming... 'Yun ang natutunan namin last season so yun ang inaapply talaga namin. Sinasabi ko naman na okay yung chemistry," ani BennyQT.

Noong nagdaang off-season at sa pagbubukas ng Season 10, umalis pa-Indonesia ang kanilang long-time coach na si Michael "Arcadia" Bocado para maging analyst ng RRQ Hoshi; umalis din ang ilang batikang player gaya ni Christian "Rafflesia" Fajura at Ashley Marco "Killuash" Cruz.

Pinasok na ng Echo sa kanilang main five ang rookie na si Alston "Sanji" Pabico at Sanford "Sanford" Vinuya at pinalitan sina Frediemar "3MarTzy" Serafico at Jan Kurt "KurTzy" Matira.

Makakalaban ng Echo Philippines ang Bren Esports at Omega Esports ngayong weekend.