Eumir Marcial, pinarangalan sa Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eumir Marcial, pinarangalan sa Senado
Eumir Marcial, pinarangalan sa Senado
Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Mar 13, 2023 07:38 PM PHT

MAYNILA -- In-adopt ng Senado ang resolusyon na nagpapaabot ng pagbati kay Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Si Marcial ay huling nanalo noong Pebrero 11 laban kay Argentinian boxer Ricardo Ruben Villalba sa isang eight-round middleweight bout sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Noong Oktubre 2022, nanalo naman siya via unanimous decision laban sa Amerikanong si Steven Pichardo.

Si Marcial ay may record na 4-0 bilang isang professional na boxer. Dalawa sa kanyang panalo ay via knockout.

ADVERTISEMENT
Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ipinakita ni Marcial ang lakas at talento ng mga Pinoy sa buong mundo.

"Isa po siyang inspirasyon hindi lang sa ating mga Pilipino [at] kapwa niya boksingero, kung 'di sa libo-libong atleta at milyong-milyong kabataang Pilipino na nagsisikap na makamit ang kanilang mga pangarap," ani Villanueva.

"We'd like to congratulate him on a job well done, making the country proud. Continue the good works that you do for the people in Zamboanga, all throughout the Philippines," wika naman ni Senate president Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Senate Committee on Sports chairman Senator Christopher "Bong" Go, malaki ang impluwensya at tungkulin ng sports sa komunidad. Hindi lang anya ito isang klase ng aliwan kun'di susi din para sa pagiging isa ng bansa.

"I place a great importance on the development of sports in our country through our combined efforts to be able to continue to inspire and empower our Filipino athletes to achieve greater heights in bringing honor and glory to our country," wika ni Go.

Nauna ng ginawaran si Marcial ng Senado ng Senate Medal of Excellence noong September 2021 matapos manalo ng bronze medal sa men’s middleweight boxing division ng 2020 Tokyo Olympics.

Co-author lahat ng senador sa ipinasang resolusyon.

KAUGNAY NA ULAT:
KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT