2 barko papuntang Bacolod, Cebu delayed ang byahe | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 barko papuntang Bacolod, Cebu delayed ang byahe

2 barko papuntang Bacolod, Cebu delayed ang byahe

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 29, 2023 08:31 AM PHT

Clipboard

Maantala ang biyahe ng dalawang barko ng isang shipping company sa Manila North Port patungong Cebu at Bacolod.

Ang orihinal na schedule ng biyahe ng dalawang barko ay ngayong Huwebes ng gabi pero naurong ito sa Sabado pa.

Si Jane Villaruz, karga-karga pa ang anak nang dumating sa pier kanina sa pag-aakalang makakabiyahe sila ngayong gabi pa-Bacolod.

Galing pa silang Baguio City pero pagdating sa pier, saka lang niya nalaman na hindi pala tuloy ang kanilang biyahe.

“Dapat may date din, 26, 27, 28 ang walang biyahe tapos makakabiyahe kami ng 29, dapat ganon, hindi yung 26 lang eh pano yun eh biyahe namin 28. Nag-close pa kami ng business dun sa Baguio para makaabot dito ng biyahe, may baby pa ako oh,” sabi ni Villaruz.

Si Vilma Aporong, na uuwi din ng Bacolod, aminadong nakatanggap naman ng text mula sa shipping line ng kanyang sasakyang barko.

“Ngayon nga ang sabi, bakit nagkaganito eh nag-trenta, siyempre mag-stay na lang kami dito dahil wala na kami magawa malayo kami galing kami Silang, Cavite. Hindi na malayo na, mahirap,” Kuwento ni Apogong.

“Meron yan December 27, pagkaalam ko December 27 lang yata ang na-delay, kaya paka-alam ko 28 ang biyahe namin , yun pala ganon na yun. Dito ko na nakita yung text,” sabi ni Aporong.

“Siyempre ang ano namin talaga 28 talga ang biyahe nami, kaya dun ako nagtaka kung bakit wala naman ang-msessage sa amin yung 2GO, ang pagka-alam ko yung 27 ang ma-delaye hindi 28,” Dagdag pa ni Aporong.

Cook ang trabaho ni Aporong sa Cavite at pauwing Victorias sa Bacolod para makasama ang pamilya sa bagong taon pero hindi siya sigurado ngayon kung aabot sa pagsalubong sa 2024.

“Ewan ko kung makaabot kami ng bagong taon eh 30 yung sakay namin, tapos ewan ko kung makadating kami dun ng 31 ng maaga,” ani Aporong.

Payo ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga pasahero, ugaliing i-tsek ang mga social media pages ng mga shipping lines para updated sa abiso kung may delay sa magiging biyahe.

Sabi ni PPA Spokesperson Eunice Samonte, may mga libreng pa-lugaw naman sa pier para sa mga pasaherong naantala ang biyahe.

“Ang advise natin sa ating mga pasahero, mas maganda pa rin kung makipag-coordinate sa mga shipping lines at siyempre huwag na po silang magdala ng napakaraming gamit dahil tayo po ay naka-red alert pa rin,” payo ni Samonte.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.