Presyo ng sibuyas, umabot sa P500 kada kilo sa ilang palengke | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sibuyas, umabot sa P500 kada kilo sa ilang palengke

Jose Carretero at Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2022 09:30 AM PHT
|
Updated Dec 27, 2022 05:54 PM PHT

(UPDATE) Pumapalo na sa P500 hanggang P600 ang kada kilo ng sibuyas sa ilang palengke sa Metro Manila.

Bukod sa mataas ang demand ngayong holiday season, mataas na farm gate price ang nakikitang dahilan ng Department of Agriculture (DA) kung bakit umabot sa ganitong presyo ang sibuyas.

Ayon kay Israel Reguyal na magsasaka ng sibuyas mula Bongabon, Nueva Ecija, 20 porsiyento lang ng kanilang tanim ang napakinabangan dahil sa mga bagyo.

Para makabawi sa gastos, umaabot na ng P400 kada kilo ang farm gate price ng sibuyas.
Para makabawi sa gastos, umaabot na ng P400 kada kilo ang farm gate price ng sibuyas.
ADVERTISEMENT
“Nag-start kami magtanim month of August. Nasira siya. Tapos umulit-ulit kami. Pangatlong ulit na namin itong inaning ito. ‘Yong production cost, times 3 na po amin kino-compute,” ayon kay Reguyal.

Dahil sa taas ng presyo, hirap ding makabenta ang mga nagtitinda tulad ni Bong Lorenzo sa Tandang Sora Public Market sa Quezon City.

“P480 puhunan, P500 ang benta namin. P20 na lang ang kita namin sa sobrang mahal. Sobrang mahal, hindi na makayanan ng taumbayan,” ani Lorenzo.

Bilang alternatibo, hinihikayat ng DA ang mga mamimili na tangkilikin ang mga durutdot o mga bansot na sibuyas.

Mabibili ito ng P170 kada kilo.
Mabibili ito ng P170 kada kilo.
Ayon sa mga magsasaka, dating itinatapon lang ang mga bansot na sibuyas pero dahil sa taas ng presyo at mababang suplay, pinakikinabangan na rin ito ngayon.

Ilang mamimili ang bumili ng durutdot sa Kadiwa Store para makatipid.

“Mahal sa palengke eh. Mga P500 na. Pagtiyagaan na para may gamitin na medyo mura,” ayon sa mamimiling si RD Esmaña.

Sa kalagitnaan ng Enero pa inaasahang bababa ang presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Ayon sa DA, posible itong bumalik sa P150 hanggang P200 kada kilo kapag nagsimula na ang anihan. Pero sa ngayon, plano ng DA na i-subsidize ang ilang gastusin ng mga magsasaka tulad ng transportasyon.

Target ng DA na mapababa ng hanggang P200 kada kilo ang sibuyas sa mga Kadiwa Store.

“Even if we minimize the layers of traders, ‘pag ang start off point mo which is the farm gate mataas na, mataas na talaga sa retail. We’d like to help them bring down the cost of production. Bakit sa Kadiwa at hindi sa palengke? Kasi ang Kadiwa ay kaya nating i-absorb ang ibang cost,” ani DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), huli na rin para mag-angkat ng sibuyas dahil kokompetensyahin lang nito ang anihan sa Enero.

“Too late na. Dapat pumasok ito November, December. Darating January 15 na. Harvest na ng mga magsasaka natin. Sinabi naman natin sa DA ‘yon na November to December, konti lang ang harvest kaya dapat nagpasok sila ng konti para maibigay sa mga consumer,” ani SINAG Chairman Rosendo So.

Sinabi na ng DA na hindi muna nila iniisip ang pag-aangkat ng sibuyas sa ngayon.

Bukod sa subsidiya, pinag-aaralan ng DA kung paano magiging climate resilient ang agrikultura sa bansa para maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka nang hindi naipapasa sa mga mamimili ang gastos.