Presyo ng sibuyas tumaas muli sa ilang palengke | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng sibuyas tumaas muli sa ilang palengke

ABS-CBN News
Published Dec 09, 2022 07:54 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Mula sa P230 kada kilo ng sibuyas noong nakaraang linggo, tumalon na sa P250 to P270 pesos kada kilo ang presyo nito ngayong linggo.

Kailangan pa kasing maghintay muli ng mga panibagong supply ng lokal na sibuyas ang kanilang mga supplier. Pero sa kabila nito, mas marami pa rin ang customer na bumibili dahil sa papalapit na ang Pasko.

Ang ilang mamimili sa Divisoria bumibili ng mga ititindang sibuyas sa Las Piñas. Ang ilang naman ipinagpaliban na muna ang pamimili nito para makatipid.

Sa sobrang mahal kasi, isang kilo na lamang ng sibuyas ang kaya nilang mabili.

ADVERTISEMENT
Ayon sa mga nagtitinda sa Divisoria, bandang Pebrero na raw muling magkakaroon ng panibagong stock ng lokal na sibuyas ang kanilang mga supplier, pero paniguradong aabot naman ang kanilang mga panindang sibuyas hanggang Enero.—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News