Ilang negosyante dama ang tumataas na presyo ng sibuyas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang negosyante dama ang tumataas na presyo ng sibuyas

ABS-CBN News
Published Nov 09, 2022 03:59 PM PHT
|
Updated Nov 09, 2022 07:25 PM PHT

MAYNILA — Hindi pa man nagsisimulang maghiwa ng sibuyas, napapaluha na ang ilang may-ari ng karinderya sa taas ng presyo ng sibuyas sa mga palengke.

Mula sa dating P180 hanggang P190 kada kilo, pumapalo na ito ngayon sa P240 hanggang P260 kada kilo.

"Masyado na mahal mga bilihin lalo na rekado, pinakamahal ang sibuyas. Kaya binabawasan na namin sibuyas sa mga ulam namin dito. Halos lahat gumagamit sibuyas eh," anang may-ari ng isang karinderya sa Quezon City.

Kamakailan lang, naglagay ng suggested retail price ang Department of Agriculture sa sibuyas, na P170 kada kilo.

ADVERTISEMENT
Ngunit hindi ito nasusunod lalo't mas mataas dito ang kuha ng mga nagbebenta sa kanilang mga supplier.

Ayon sa Philippine Chamber for Agriculture and Food, normal namang tumaas ang presyo ng sibuyas habang patapos ang taon dahil inaani ang sibuyas mula Enero hanggang Abril at 6 buwan ang kadalasang itinatagal nito.

"Bandang this month, October paubos na yan. In that case, talagang mataas ang presyo. Year in, year out, mataas talaga presyo ngayon," anang pinuno ng grupo na si Danilo Fausto.

Pero hindi anila makatarungan ang mahigit P200 na kada kilo nito.

Sa taya ng PCAFI, hindi dapat lumagpas sa P100 kada kilo ang retail price ng sibuyas sa palengke lalo't hindi hamak na mababa ang kuha ng mga trader sa mga magsasaka nito.

"Hindi normal yan, sinasabayan na lang yan, nakikisabay na lang ibang traders diyan. Traders talaga take advantage of it, dahil everything is high, kaya sasabay sila," ani Fausto.

Suhestiyon niya na dapat mas hipitan ang pagpapatupad sa SRP ng sibuyas.

Nitong Setyembre, naglaan ang Department of Agriculture ng P100 milyong tulong sa mga nagtatanim ng sibuyas.

Base kasi sa Philippine onion roadmap, dapat pataasin ng nasa 50,000 metric tons ang sibuyas sa loob ng 5 taon.

Nasa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa ang karamihan ng mga nagtatanim ng sibuyas, pero nakikipag-partner na rin ang DA sa mga magsasaka sa Visayas at Mindanao para magtanim nito.

Tumutulong din ang DA sa pagkokonekta sa onion growers at mga pangunahing consumer nito maging sa pagsusulong ng demand-driven production.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT