Bata, patay sa sunog sa Antipolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata, patay sa sunog sa Antipolo

Bata, patay sa sunog sa Antipolo

Job Manahanm ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 24, 2023 11:02 AM PHT

Clipboard

Nasawi ang isang 6-anyos na lalaki sa sunog na sumiklab sa isang residential na area ng Antipolo, Rizal, Sabado ng gabi, isang araw bago ang Pasko.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog sa Barangay Cupang na nangyari bandang 9:30 ng gabi, base sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP). Naapula ang sunog dakong alas-11 ng gabi.

Naugatan ang mga magulang na ng bata na dinala sa East Avenue Hospital sa Quezon City.

Labis ang paghihinagpis ng ina ng bata na si Merciditas Pelominor. Nahirapan daw siyang pumasok sa kanilang bahay sa sobrang lakas ng apoy.

ADVERTISEMENT

Sa bahay daw nila nagmula ang sunog. Itinanggi naman niya na may kandilang naiwan sa kanilang bahay.

“Galing ako sa trabaho… May nag-iinom doon, sabi ng presidente namin tawagin ko daw ang asawa ko…. Naiwan ‘yung isa kong anak na natutulog doon. Nagulat kami na nasunog. Wala naman kaming kuryente, solar ang gamit namin,” sabi ni Pelominor.

"Pinuntahan [namin yung anak ko]. Hindi ko na siya nakita. Nahulog ako sa hagdanan namin," dagdag niya.

Aabot sa 10 pamilya o 67 indibidwal ang apektado ng sunog. Kasalukuyan silang nasa covered court ng barangay at bibigyan ng tulong pinansyal at food packs ng barangay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.