ALAMIN: Iwas-sunog tips habang papalapit ang Bagong Taon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Iwas-sunog tips habang papalapit ang Bagong Taon

ABS-CBN News
Published Dec 30, 2022 10:46 AM PHT
|
Updated Dec 30, 2022 11:11 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nagbahagi ng mga payo ang Bureau of Fire Protection upang makaiwas sa sunog, ilang araw bago ang Bagong Taon.

Ayon kay BFP spokesperson FSupt. Annalee Carbajal-Atienza, karamihan ng mga sunog ay dahil sa electrical ignition, loose power connection gaya ng mga "octopus" extension, at mga sigarilyong hindi naitapon nang maayos.

Kung iiwan aniya ang bahay para magbakasyon sa Bagong Taon, mabuting patayin ang main power switch o ibilin ang tahanan sa mapagkakatiwalaang kapitbahay.

Ngayon namang kaliwa't kanan ang handaan, payo ng BFP na huwag iwanan ang mga niluluto.

ADVERTISEMENT
Pero sakaling bigla itong lumiyab, ani Atienza, “Wag na ‘wag po nating bubuhusan ng tubig kasi mas lalong kakalat ang mantika at mapupunta sa ibang lugar na maaaring kumalat lalo ang sunog."

Sa halip, patayin aniya ang gas valve at takpan ang kawali "para po you are eliminating oxygen, nawawala po iyong isang component ng fire."

Sakali namang nay mag-spark na electrical appliance o gadget, wag din itong buhusan na tubig na maaaring daluyan ng kuryente, ani Atienza.

Dapat aniyang patayin ang main switch ng kuryente at gumamit ng fire extinguisher.

Hinikayat din ni Atienza na pag-usapan ng magkakapamilya ang mga naturang bilin nang maging pamilyar sila sa mga dapat gawin sakaling magkaroon ng sunog.

— TeleRadyo, 30 Disyembre 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT