ALAMIN: Mga dapat gawin sa pag-apula ng sunog | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga dapat gawin sa pag-apula ng sunog

ALAMIN: Mga dapat gawin sa pag-apula ng sunog

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahalagang malaman ang sanhi ng apoy bago ito tangkaing apulahin upang maiwasan ang paglala nito, ayon sa mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP), na nagbahagi ng ilang tips sa tamang pag-apula ng apoy sa programang "Todo Todo Walang Preno" ng DZMM.

Mahalagang manatiling kalmado kapag nahaharap sa apoy at alamin ang sanhi nito, lalo na kung wala pang rumerespondeng bombero, ayon kay Senior Inspector Reeven Ryan Bolito, deputy chief ng BFP Public Information Services.

"'Pag may nakita tayong possible cause of fire, alamin natin ... if you have doubt baka mas lalo ito lumala," ani Bolito.

Isa sa mga karaniwang maling paraan ng pag-apula ng apoy ay ang pagbuhos ng tubig sa sunog na nagmula sa kuryente.

ADVERTISEMENT

Payo ni Senior Fire Officer 1 Ace Carolino, unahin patayin ang electricity breaker bago buhusan ng tubig ang apoy.

Mali rin umanong buhusan ng tubig ang apoy na nasa mamantikang lutuan.

"Kapag nasusunog [iyong mantika] na nasa kawali [tapos] binubuhusan ng tubig, mas kakalat po iyon," ani Bolito.

Payo ni Bolito, patayin muna ang kalan bago takpan ng takip o basang tuwalya.

Pero paalala nina Bolito at Carolino na kung hindi sigurado sa paraan ng pagtupok sa sunog ay agad nang humingi ng tulong sa mga bombero.

Bagong Taon

Handa umano ang BFP na rumesponde sa mga insidente ng sunog sa nalalapit na Bagong Taon, lalo na sa mga sunog na bunsod ng mga paputok.

Ayon kay Bolito, nakatulong umano ang Executive Order 28 na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahanda ng mga bombero.

Sa ilalim kasi ng kautusan, sa mga firecracker zone at fireworks display community area na itinalaga ng mga pamahalaang lokal lang maaaring magpaputok ang mga residente.

Nakapaloob din sa kautusan na dapat may nakatalagang bombero sa mga firecracker zone at community area.

"Kasi identified na ‘yong certain area ... unlike ‘yong dati na anywhere [nagpapaputok]," ani Bolito.

Dagdag ni Bolito, mahalagang panatilihing malinis ang mga kapaligiran, lalo na ang mga malapit sa firecracker zone at community area.

Maaari rin aniya kasi itong maging sanhi ng apoy sa pampublikong lugar.

"Kung magkataon na matamaan [ng fireworks] na paligid na basura, dry leaves, alulod, it may cause fire," paliwanag ni Bolito.

Payo rin nila na huwag nang pulutin ang mga paputok na hindi pumutok at sa halip ay basain na lang.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.