Paano gumagana ang COVID-19 vaccine, makakamit ang herd immunity? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano gumagana ang COVID-19 vaccine, makakamit ang herd immunity?

ABS-CBN News
Published Dec 23, 2020 05:10 PM PHT

Nagsimula nang magbakuna laban sa COVID-19 ang ilang bansa, na layong maprotektahan ang populasyon at magkaroon ng tinatawag na herd immunity para hindi na kumalat pa ang sakit.

Ayon sa public health expert na si Dr. Susan Mercado, kailangan ang mga bakuna upang maturuan ang mga katawan ng mga tao na lumaban sa bagong virus.

Ilang siglo na umanong ginagamit ang mga bakuna upang maiwasan ang matinding sintomas o pagkamatay mula sa sakit.

"[In the] 18th and 19th centuries, there was systematic implementation of mass smallpox immunization. But global eradication occurred only in 1979. So you can see how long it has taken to eradicate a certain disease," ani Mercado.

ADVERTISEMENT
Dahil sa makabagong teknolohiya, mas ligtas na ngayon ang mga bakuna.

Ang mga tradisyunal na bakuna ay gumagamit ng pinahina o pinatay na virus. Ang inactivated virus na ito ang mismong gamit ng mga COVID-19 vaccine developer tulad ng Sinovac at Sinopharm mula China.

Gumagamit naman ang mga bakuna ng AstraZeneca at Gamaleya ng Russia ng recombinant viral vector, kung saan inilalagay ang genetic code ng SARS-CoV-2 (ang virus na nagdudulot ng COVID-19) sa isang mas mahinang virus upang hindi magdulot ng sakit.

Mayroon ding sub-unit vaccine kung saan spike protein lang ng COVID-19 ang ginagamit, tulad ng bakuna ng Novavax.

"You’re just sending the spike proteins inside and allowing our antibodies to recognize that, so when they see it again, if SARS-CoV-2 enters the body, they kill it," paliwanag ni Mercado.

Ang pinaka-moderno namang bakuna ay ang mRNA o nucleic acid vaccines, tulad ng ginagamit ng Pfizer at Moderna. Genetic code ang laman ng mga bakunang iyon.

"They are quite different in the way they are made but they have the same effect," ani Mercado.

"The effect is they allow the human body to see the spike protein in a form that is not very infectious," dagdag niya.

Dahil sa iba't ibang teknolohiya, iba-iba rin ang storage equipment ng mga bakuna.

Ang lahat ng bakuna ay dadaan muna sa iba't ibang pagsusuri upang makita kung ligtas at epektibo sa mga tao.

Ayon kay Mercado, ang punto ng pagbabakuna ay herd immunity, kung saan mapoprotektahan ang nakararami at hindi maipapasa ang sakit sa iba.

Batay sa kalkulasyon ng mga eksperto, kailangang mabakunahan ang 60 porsiyento ng populasyon o nasa 60 milyong Pilipino para maabot ang herd immunity, sabi ni Mercado.

Dahil sa paghusay ng teknolohiya at dagdag na kaalaman sa COVID-19, inaasahan ni Mercado na maaaring magbago o mag-improve pa ang mga bakuna sa mga susunod na taon.

Sa ngayon, mahalagang makakuha ng sapat na supply ang Pilipinas at maibigay agad sa sektor na vulnerable sa sakit.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
COVID-19 vaccine
COVID-19
bakuna
herd immunity
explainer
COVID-19 pandemic
coronavirus Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT