Pagbibigay-alam tungkol sa bakuna, pinatututukan bilang paghahanda sa COVID-19 vaccine drive | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbibigay-alam tungkol sa bakuna, pinatututukan bilang paghahanda sa COVID-19 vaccine drive

ABS-CBN News
Published Dec 09, 2020 02:56 PM PHT

MAYNILA - Dapat tutukan ang pagbibigay-alam sa pagbabakuna sa mga nagdududa sa mga epekto nito ngayong pinoproseso na ang pagkuha ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine, ayon sa pinuno ng Food and Drug Administration.

"Tinanong nila (SWS) ang mga kababayan. 'Yung [around] 70 percent are already leaning towards 'yes'. Pero ang 30 percent, may agam-agam, so sila po ang ating dapat bigyan ng impormasyon para makapagdesisyon po sila nang tama pagdating sa bakuna," ani FDA Directo General Eric Domingo sa panayam sa TeleRadyo ngayong Miyerkoles.

Matatandaang sa isang survey ng Social Weather Stations, lumabas na 32 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsasabing tiyak na kukunin nila ang bakuna, at 34 porsiyento naman ang malamang na kukuha ng bakuna. Kung susumahin, nasa 66 porsiyento ito.

Aabot naman sa 31 porsiyento ang nagsabing may agam-agam sila sa bakuna. Kabilang rito ang 14 porsiyento na nagsabing may posibilidad na hindi nila kuhanin ang bakuna, at 17 porsiyento naman na nagsabing hindi talaga sila kukuha ng bakuna.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Domingo, galing ang mga agam-agam sa mga kumakalat na maling balita, partikular na sa social media.

"Kasi kung titingin tayo sa social media, napakarami po talagang anti-vaxxers na tinatawag. Naglipana 'yung mga news, kahit po sa mga text lamang ninyo, makikita niyo sa cellphone niyo kung ano-ano tungkol sa bakuna," ani Domingo.

"Kesyo papasok sa DNA, kesyo mayroong microchip na made-detect tayo. Siyempre, 'pag may ganitong nababasa sila, nagkakaroon po silang konting duda, kahit po alam naman natin na walang scientific basis ang mga sinasabing ito," dagdag niya.

Samantala, tatagal ng tatlo hanggang apat na linggo ang proseso sa COVID-19 vaccine bago aprubahan dahil sa emergency use authorization.

Ayon pa kay Domingo, inaasahang darating ang bakuna sa unang quarter ng 2021.

Una nang nabanggit ng gobyerno na target nilang mabakunahan ang mahigit-kumulang 60 milyong Pilipino na mahalaga umano para maabot ang "herd immunity."

Umakyat na sa 442,785 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes, Disyembre 8, kung saan, 25,325 o 5.7 porsyento ay nanatiling nakikipaglaban sa naturang sakit, habang 8,670 naman ang namatay.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
COVID-19 vaccine drive
FDA
Food and Drug Administration
information drive vs COVID-19
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT