Mga nagkakasakit sa Dinagat Islands dahil sa maruming tubig, dumadami | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nagkakasakit sa Dinagat Islands dahil sa maruming tubig, dumadami

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Dec 22, 2021 07:38 PM PHT
|
Updated Dec 23, 2021 04:53 PM PHT
DINAGAT ISLANDS -- Tumataas na ang bilang ng mga nagkakasakit dahil sa pag-inom ng maruming tubig sa Dinagat Islands kasunod ng pagtama ng Bagyong Odette.

Hamon din para sa 3 district hospital at 7 rural health unit ng Dinagat Islands ang pagtugon sa mga may sakit dahil maging sila'y nakaranas ng pinsala mula sa bagyo.

Sa buong Dinagat Islands, halos 60 na ang naitalang kaso ng naopsital dahil sa loose bowel movement (LBM) bunsod ng kawalan ng maiinom na malinis na tubig. May 3 na ring namatay dahil sa pagdudumi.

Kasama sa mga nagkasakit si Janna Quiñones, na isinugod din ngayong Miyerkoles ang kaniyang 7 taong gulang na kapatid na lalaki sa Dinagat District Hospital.

Maging ang 8 taong gulang na kapatid nilang babae at nanay ay sumakit din ang tiyan.

"Naubusan kami ng tubig saka nakainom kami ng hindi mineral kaya nagkaganoon sila," ani Quiñones.

Sa Dinagat District Ospital, bumigay ang halos buong bubong at maraming gamit ang hindi na mapakinabangan.

Pinagkakasya ngayon ng ospital ang 40 pasyente sa corridor at ward ng natitirang wing na may bubong.

Ginamit na rin ng ospital ang 2 isolation room at ginawang emergency room ang kusina.

Ayon sa ospital, may gamot pa sila na pang-LBM pero malapit nang maubos ang mga supply gaya ng IV infusion set.

Problema rin ang paubos na pagkain at kakulangan sa tao dahil maging ang mga nagtatrabaho sa ospital ay nasalanta ng bagyo kaya hindi lahat makapasok.

Ayon naman kay Dinagat Islands provincial health officer Dr. Jillian Lee, sinisikap na ng provincial government na i-disinfect ang tubig.

"Nagdi-disinfect kami ng water using chlorine although we lack the manpower right now to ensure all barangays and sitios in these barangays get access to these services," ani Lee.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nag-inspeksiyon ngayong Miyerkoles ng health facilities sa Dinagat Islands, ang agarang paghahatid ng medisina.

Samantala, nadagdagan naman ng 2 ang bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Odette sa Dinagat Islands, para sa kabuuang 16.

Ayon sa provincial disaster office ng probinsiya, naitala ang mga namatay sa bayan ng Cagdianao, kung saan isa ang nalunod at isa naman ang pumanaw dahil sa tama sa ulo.

May nagpadala naman ng higit 1,000 relief packs sa ilang barangay sa Cagdianao at bayan ng Dinagat.

Inaasahan naman ang pagpapadala ng Office of the Vice President ng 50,000 food packs sa probinsiya.