Palaman droga? ‘Shabu’ na isinilid sa pandesal nasabat sa Marikina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palaman droga? ‘Shabu’ na isinilid sa pandesal nasabat sa Marikina

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Dec 14, 2021 06:20 AM PHT

MAYNILA—Arestado ang 1 babae matapos makuhanan ng tinapay na may palamang droga sa Marikina.

Ayon sa paunang ulat ng Eastern Police District, pumunta ang suspek sa Marikina City Police Station para bisitahin ang live-in partner na nakakulong.

May dalang mga tinapay ang babae para ibigay sana sa nakakulong na partner, pero nang inspeksyunin ng duty jail officer, may nakasilid sa loob ng tinapay.

Nakita ng pulis na may isang gramong hinihinalang shabu na may street value na P6,800.
Nakita ng pulis na may isang gramong hinihinalang shabu na may street value na P6,800.
ADVERTISEMENT
Kaya ang 41 anyos na babae na bibista lang sa kulungan ay siyang nakakulong na dahil sa palaman na droga.

Samantala, huli rin sa Marikina ang Top 2 sa drugs database ng Eastern Police District at isa pang kasamahan.

Inaresto ang 2 lalaki at 1 babae matapos ang buy-bust operation.

Nakuha sa kanila ang hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P34,000.