PatrolPH

P13.6 milyong halaga ng suspected shabu nasabat sa Sulu; 2 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2021 01:53 AM

Arestado sa anti-illegal drugs operation ng iba't ibang unit ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police, at Philippine Army ang 1 barangay kagawad at 1 babae sa Barangay KM2, sa bayan ng Indanan, Sulu Sabado ng madaling araw.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na si Ilahan Yahya, alyas Ben, 48, isang kagawad, at Murida Ahajan, alyas Elwina, 30.

Nasabat sa operasyon ang 2 pakete ng Chinese tea bags na may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalagang P13.6 milyon.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay responsable sa illegal drug operations sa mga karatig na bayan sa Sulu province.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto. —Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.