PatrolPH

Magsasakang nagtanim umano ng marijuana sa Davao de Oro, timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2021 01:16 PM

Larawan mula sa Police Regional Office XI.
Larawan mula sa Police Regional Office XI.

Timbog sa operasyon ng mga awtoridad ang isang magsasaka matapos makuhanan umano ng armas at ilegal na droga sa Purok Puntod, Barangay Tag-ugpo, bayan ng Pantukan, Davao de Oro, Biyernes ng hapon.

Ayon sa Davao de Oro police, nakumpiska nila ang mga hinihinalang marijuana plants na may timbang na 20 gramo na itinanim umano ng 38 anyos na si Leonard Enclonar Bajenting sa kaniyang bakuran.

Nakumpiska rin ng pulisya ang isang improvised 12-gauge shotgun na pagmamay-ari umano ni Bajenting.

Sinampahan ng kasong pagbalag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms si Bajenting.

—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.