Eksenang tumatak sa pagsagip sa Amerikano sa dagat, ibinahagi ng marinong Pinoy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Eksenang tumatak sa pagsagip sa Amerikano sa dagat, ibinahagi ng marinong Pinoy

ABS-CBN News
Published Dec 09, 2020 03:16 PM PHT

MAYNILA - Tumatak sa isipan ng isang Pilipinong seafarer ang naging pananampalataya ng Amerikanong nasagip ng kanilang barko mula sa palubog ng yate nito sa Atlantic Ocean.

Ayon kay Lacruiser Relativo, second officer ng cargo vessel na Angeles, nag-sign of the cross si Stuart Bee nang makaakyat na ito sa kanilang barko.

“Yun yung moment na ‘di ko makalimutan, kasi I don’t consider myself as super religious. But seeing him making the sign of the cross, I feel like it's his faith that made him walk on water. We’re so glad na naabutan namin siya just in time,” sabi ni Relativo.

Sa kuwento ng seafarer sa TeleRadyo Miyerkoles ng umaga, sinabi nitong ang kapwa Pilipinong crew member na si 3rd Officer Agnes Camilo ang nakakita umano sa Amerikano noong umaga ng Nob. 29.

ADVERTISEMENT
“Parang may strange object sa tubig. As the vessel got closer to that object, nakikita na niya na tao na kumakaway. Tinanggal niya damit niya, and he’s waving and asking for help,” sabi ni Relativo.

Agad na tinawag umano ni Camilo ang kapitan ng kanilang barko. Maging si Relativo na naka-off duty nung panahon na yun ay tinawag din sa deck bilang isa ring medical officer.

Nagkaaberya umano ang yate ni Bee hanggang sa pinasok na ito ng tubig. Nang siya ay matagpuan, nakakapit si Bee sa dulo na lamang ng kaniyang yate.

“Konting air pocket na lang ang naiiwan,” sabi ni Relativo.

Laking pasalamat ni Relativo at maging ng buong crew ng barko, na may 16 na Pilipinong miyembro, sa pagkakasagip kay Bee.

“The success of the rescue is really a team effort,” sabi ni Relativo.

Read More:
Pacific Ocean
Stuart Bee
Lacruiser Relativo
Cargo Vessel
maritime
Sea Rescue
Filipino seafarer
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT