2 Amerikano naligtas ng vessel na may Pinoy crew sa Atlantic Ocean | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 Amerikano naligtas ng vessel na may Pinoy crew sa Atlantic Ocean

ABS-CBN News
Published Dec 07, 2020 08:21 PM PHT

Dalawang Amerikano ang nailigtas ng crew ng isang vessel, na kinabibilangan ng ilang Pinoy, sa Atlantic Ocean noong Disyembre 5.

Sakay ng bulk carrier na KSL Santiago ang 14 na Pilipino, 2 Indian at 2 Sri Lankan. Rumesponde sila sa distress signal mula sa US Coast Guard Station sa Norfolk na may nangangailangan ng tulong malapit sa kinaroonan nila.

Ayon kay Rod Arnel Tolentino, 2nd Officer ng KSL Santiago, boluntaryong tumulong ang crew sa 2 boaters na sakay sa isang sailboat 40 nautical miles sa kanilang kinaroroonan.

Ang dalawang Amerikano na sakay ng sailboat ay 345 miles na palutang-lutang sa Atlantic Ocean dahil hindi gumana ang kanilang makina at nasira rin ang layag ng sailboat.

Video mula kay Rod Arnel Tolentino
Ayon kay Tolentino, naka-lookout ang lahat ng kanilang crew sa KSL Santiago dahil masama ang panahon, hindi maganda ang visibility, at malalaki ang alon.

Maswerte umanong nakita nila ang sailboat kaya nasagip at naiakyat sa barko ang 2 Amerikano. Tumagal nang 5 oras ang search and rescue operation.

Wala namang injuries ang 2 nasagip.
Wala namang injuries ang 2 nasagip.
Isang C-130 na eroplano ng US Coast Guard ang nag-coordinate din sa pag-rescue.

Inabandona at hindi na na-tow ang sailboat dahil sa sama ng panahon. Ayon sa may-ari, may GPS ang sailboat at puwedeng masalba kung hindi lulubog.

Dadaan muna ng Baltimore ang KSL Santiago bago babalik sa Pilipinas.

Noong November 29, mga marinong Pilipino sakay sa container ship na Angeles ang sumagip naman sa Amerikanong si Stuart Bee matapos magpalutang-lutang nang 2 araw sa Atlantic Ocean dahil napasok ng tubig ang kaniyang bangka.

-- Ulat ni PJ dela Peña
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT