PatrolPH

Mangingisdang mula Leyte, nasagip sa dagat sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 10:37 PM | Updated as of Nov 05 2019 11:51 PM

Mangingisdang mula Leyte, nasagip sa dagat sa Samar 1
Nailigtas ang isang mangingisda matapos matapos tumaob ang kaniyang bangka sa karagatan ng Abuyog sa Leyte nitong Lunes. Kuha ng PDRRMO Leyte

Nasagip sa Samar ang isang mangingisda matapos tumaob ang kaniyang sinasakyang bangka sa karagatan ng Abuyog sa Leyte nitong Lunes.

Ayon sa PDRRMO Leyte, tumaob ang bangka ni Mario Caytana, 55, matapos hampasin ito ng malakas na alon habang nasa kalagitnaan ng karagatan ng Abuyog.

Nakahingi ng tulong ang mangingisda sa pamamagitan sa pagtawag sa Coast Guard.

Martes nang mailigtas ang mangingisda sa dagat sa bayan ng Marabut sa Samar.

Nakauwi na sa kanilang bahay sa bayan ng Matalom sa Leyte ang mangingisda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.