MMDA may mga hakbang para maibsan ang mabigat na trapiko sa kapaskuhan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
MMDA may mga hakbang para maibsan ang mabigat na trapiko sa kapaskuhan

ABS-CBN News
Published Nov 27, 2022 03:52 PM PHT
|
Updated Nov 27, 2022 09:27 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Magpapatupad umano ng ilang hakbang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong panahon ng kapaskuhan.

Kabilang dito ang adjusted operating hours sa mga mall sa Metro Manila, na ipinatupad ngayong Nobyembre, ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, ang bagong talagang presidente ng Metro Manila Council (MMC).

Papahabain din ang oras ng duty ng mga traffic enforcer at pahihintuin muna ang mga pagkukumpuni sa mga kalsada, kasama ang paggiba sa tulay sa Sta. Mesa, Maynila para sa NLEX-SLEX connector.

"'Yong NLEX-SLEX connector matutuloy po 'yan. Pero 'yon decommissioning ng Magsaysay Bridge ay sa Dec. 26 pa. So ibig sabihin, magagamit pa ang tulay hanggang Dec. 25. Papalagpasin lang ang Pasko," ani Zamora.

Sa datos ng MMDA noong Nobyembre 10, nasa 398,000 sasakyan na ang naitatalang dumadaan sa EDSA, halos kaparehas ng traffic volume bago ang COVID-19 pandemic.

Inaasahan umanong tataas pa ito nang 10 hanggang 15 porsiyento habang papalapit ang Pasko.

Ayon pa kay Zamora, bagaman hindi mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar, pinag-iingat pa rin niya ang mga tao sa pagpunta sa mga matao at siksikang lugar.

Samantala, ayon sa Manila International Airport Authority, ililipat sa ibang terminal ang ilang biyahe ng Philippine Airlines at AirAsia.

Ito'y bilang paghahanda umano sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa paliparan ngayong panahon ng Pasko.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT