Malawakang dredging sa mga ilog, lawa sa NCR, mga probinsya panawagan ni Pacquiao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malawakang dredging sa mga ilog, lawa sa NCR, mga probinsya panawagan ni Pacquiao

ABS-CBN News
Published Nov 17, 2020 04:59 PM PHT
|
Updated Nov 17, 2020 05:35 PM PHT

MAYNILA — Inirekomenda ni Sen. Manny Pacquiao ang malawakang dredging sa lahat ng ilog, lawa at iba pang daluyan ng tubig sa mga catch basin areas sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga at Pangasinan para maiwasan ang pagbaha.

Sa rekomendasyon ni Pacquiao, chairman ng Senate Committee on Public Works, dapat nasa 10 metro ang lalim ng dredging para maiwasan ang pagbaha.

Bukod sa mga flood control system ng Department of Public Works and Highways, Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang ahensya, dapat aniya ay magsagawa ng malawakang dredging pati na rin sa mga ilog.

“It is a no brainer. Kapag malalim ang ating mga ilog at mga estero, mas maiiwasan ng posibilidad na umagos ang tubig-baha papunta sa ating mga kabahayan,” sabi ni Pacquiao.

Kakayanin din daw ng Pasig River, na 25 kilometro ang haba, at Marikina River, na 78 kilometro kahaba, ang malaking volume ng ulan kung mas malalim pa ang mga ito.

Gayundin aniya ang Cagayan River, Pampanga River, Chico River, at Laguna Lake na makatutulong sa pagkontrol ng pagbaha kung malalim na at sumailalim sa dredging.

“Dapat diyan natin ibuhos ang ating flood control program at hindi kung saan-saan na mga proyekto na paulit-ulit lang. What we need is a long-term and sustained flood control program,” aniya.

Sa ngayon ay may datos naman ang gobyerno para matukoy ang mga flood-prone areas at makapagsagawa ng dredging.

Puwede rin daw magpasa ng batas ng Kongreso na awtomatikong magbibigay pondo para sa pangangasiwa ng mga waterways at ang DILG umano ang magmo-monitor sa mga programa.

Inirekomenda rin ni Pacquiao sa National Irrigation Administration, MWSS, Department of Science and Technology at Department of Environment and Natural Resources na gumawa ng pag-aaral kung paano makabubuo ng rain catchment at water impounding facilities lalo na sa Metro Manila.

Sa ganitong paraan kasi, maiiwasan aniya ang baha at mapakikinabangan pa ang tubig lalo na para sa mga magsasaka. — Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Read More:
pagbaha
malawakang pagbaha
dredging
paano maiiwasan ang pagbaha
tagalog news
patrolph
Sen Manny Pacquiao
Bagyong Ulysses
Ulysses aftermath
Ulysses PH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT