Baha humuhupa na sa 20 barangay sa Cauayan, Isabela

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2020 07:45 AM

Watch also in iWantTFC

CAUAYAN - Humuhupa na ang baha na nagpalubog sa 20 barangay sa Cauayan City, Isabela simula noong Huwebes dulot ng Typhoon Ulysses.

Nasa 10,000 residente ang apektado pagbaha na umabot ng 14 na talampakan, ayon sa mga residente.

Walang naitatalang namatay o nasaktan sa lungsod.

Ang pangunahing pangangailangan ng mga residente ay mga panglinis na materyales.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.