Ilang parte ng Paombong, Bulacan lubog pa rin sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang parte ng Paombong, Bulacan lubog pa rin sa baha

Ilang parte ng Paombong, Bulacan lubog pa rin sa baha

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Lubog pa rin sa baha ang ilang parte ng bayan ng Paombong sa Bulacan ngayong Linggo, tatlong araw matapos ang paghagupit ng bagyong Ulysses.

Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pagbaha sa ilang bahagi ng Paombong na malapit sa Angat River ay dahil sa Bagyong Ulysses at sa pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam.

Ayon naman sa Paombong MDRRMO, umabot sa 40 hanggang 50 inches, o mahigit tatlo hanggang apat na talampakan ang baha sa ilang lugar, partikular sa Barangay Sto. Rosario at San Isidro Dos. Baha rin sa ibang parte ng Barangay Kapitangan, Pinalagdan at San Vicente.

Sa Barangay San Isidro Uno, ang ilang parte ay abot-tuhod ang baha.

ADVERTISEMENT

Ayon sa residenteng si Aling Rosie, 74 anyos, ito ang unang pagkakataon na hindi humuhupa ang tubig baha sa kanilang lugar kahit ilang araw na ang nakalipas. Pumasok pa sa loob ng kanilang bahay ang baha.

Dahil high tide daw ngayon, inaasahang tataas aniya talaga ang tubig.

Kaya nanawagan din sila ng tulong lalu't wala pang kuryente sa barangay, at mga senior citizen at mga bata ang nakatira rito.

Samantala, bukod sa Paombong, baha rin sa ilang bahagi ng Hagonoy at Calumpit, Bulacan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.