Senior citizen na rider patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senior citizen na rider patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Makati

Senior citizen na rider patay sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Makati

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 10, 2021 08:43 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Ikinamatay ng isang 72-anyos na motorcycle rider ang sugat sa ulo nang mabangga siya ng isa pang motorsiklo sa isang merging road o pasangang kalsada sa Barangay Olympia, Makati, Biyernes.

Nakunan ng CCTV ang pagtawid-kalsada mula Trabajo Street papuntang Obrero ni Romeo Bautista bandang alas-7:30 ng gabi.

Nasa gitna na siya ng kalsada nang salpukin siya sa gilid ng motorsiklong sakay ng 26-anyos na rider na si Oliver Corros.

Tumilapon sa kalsada ang 2 rider, na kapwa walang suot na helmet.

ADVERTISEMENT

Nakabangon pa at nakatayo ang nakababatang rider na nagkagalos sa mukha at sugat sa ilong at bibig.

Ayon sa rescue team at sa police report, nakainom ang rider na residente rin ng parehong barangay.

Nawalan naman ng malay si Bautista nang tumama ang likod ng ulo sa kalsada.

Ayon sa rescuer, nagising pa siya matapos dalhin sa ospital.

Pero kinabukasan, ipinaalam ng pamilya nito sa pulisya na namatay na ang senior citizen.

Sinabi ng barangay na takaw-banggaan sa merging road lalo’t wala ring stoplight. Matagal na mula nang may namatay sa banggaan doon.

Pero plano nilang pinturahan na ang tawiran ng yellow box markings para makatawag-pansin sa mga motoristang dumadaan doon.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ni Bautista.

Hiniling nilang manatiling pribado ang kanilang pagluluksa.

Pero sinabi ng anak ng biktima na plano pa rin nilang ituloy ang kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property laban sa isang rider.

Nakadetine siya ngayon sa Makati City Police Station headquarters at sumailalim na sa inquest noong Martes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.