2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Capiz | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Capiz

ABS-CBN News
Published Oct 31, 2021 02:17 PM PHT

Patay ang 2 rider matapos magbanggaan ang mga sinasakyan nilang motorsiklo sa Roxas City, Capiz, madaling araw ng Linggo.

Nasugatan din sa insidenteng nangyari sa Barangay Baybay ang 3 taong angkas ng mga rider na sina Mike Anoche at Gesmark Alborte.

Sa imbestigasyon ng Roxas City police, sakay ng motorsiklo si Anoche kasama ang 2 angkas nang bumangga sa kasalubong na motor na minamaneho naman ni Alborte, na may 1 angkas.

Mabilis na rumesponde ang emergency response team at dinala sa ospital ang mga biktima. Pero idineklarang dead on arrival sina Anoche at Alborte dahil sa mga malubhang sugat sa ulo.

Agad namang nakauwi ang 3 nasugatan matapos lapatan ng paunang lunas ng mga emergency responder.

Napag-alaman ng mga awtoridad na mabilis ang pagpapatakbo ng mga biktima ng kanilang mga motorsiklo at walang suot na helmet ang mga ito nang mangyari ang insidente.

Nakainom din umano ng alak ang mga biktima.

— Ulat ni Rolen Escaniel
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Capiz
road accident
aksidente
motorsiklo
vehicular accident
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT