P1.5M halaga ng mga droga nasabat sa Davao de Oro resort; 17 tiklo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P1.5M halaga ng mga droga nasabat sa Davao de Oro resort; 17 tiklo

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Nov 09, 2021 07:16 AM PHT
|
Updated Nov 09, 2021 07:20 AM PHT

MAYNILA—Sari-saring pinaniniwalaang droga gaya ng party drugs, shabu, at marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang sting operation sa isang resort sa bayan ng Mabini, Davao de Oro noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng PDEA Region XI, aabot sa P1.5 milyon ang pinagsama-samang halaga ng mga droga.

Around P1.5 million worth of suspected party drugs, shabu & marijuana were seized in a sting operation at a resort in Davao de Oro last Saturday.
The NBI & PDEA arrested 17 people, many of whom authorities claimed were caught amid a drug session.
📸:PDEA Region XI pic.twitter.com/yg1mKWADvv
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) November 8, 2021

Taga-Davao City ang 33-anyos na target na si alyas Bert.

Pinagbilhan umano siya ng PDEA operative ng 1 sachet ng violet na umano’y party drug capsules sa halagang P2,000 at ng plastic cellophane na may mga dahon ng hinihinalang marijuana sa halagang P6,000.

Inaresto rin ang 4 na tinuturong kasabwat ng target.

Hinuli naman ang 12 pang taong nasa resort noon dahil naaktuhan umano sa drug session.

Narekober ang 722 tableta at kapsula ng hinihinalang party drugs na mahigit P1.2 milyon ang halaga.

May 77 piraso ng hinihinalang LSD na tinatayang P130,000; pati 11 lalagyan ng umano’y liquid party drugs na P32,000 ang halaga.

Kasama rin sa nasabat ang P150,000 halaga o nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu at nasa 200 gramo ng umano’y marijuana na P24,000 ang halaga.

Dinala sa detention facility ng NBI ang mga inaresto at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Read More:
drug war
war on drugs
PDEA
Philippine Drug Enforcement Agency
NBI
National Bureau of Investigation
Mabini
Davao de Oro
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT