PatrolPH

Suspek, patay sa buy-bust operation sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2021 01:38 PM

Patay ang isang drug suspect matapos mauwi sa buy-bust operation sa Muñoz, Nueva Ecija noong Nobyembre 6, 2021. Retrato mula sa Central Luzon police
Patay ang isang drug suspect matapos mauwi sa buy-bust operation sa Muñoz, Nueva Ecija noong Nobyembre 6, 2021. Retrato mula sa Central Luzon police

Patay ang isang lalaking sinasabing tulak ng droga matapos mauwi sa engkuwentro ang isang buy-bust operation sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija nitong Sabado.

Ayon sa Central Luzon police, ikinasa ang operasyon laban sa suspek na kinilalang si alyas "Ekong."

Nakaramdam umano si "Ekong" na pulis ang kaniyang katransaksiyon kaya nagpaputok siya ng baril at nauwi sa engkuwentro ang operasyon.

Wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng mga pulis.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P17,000.

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO
[EMBED BY IVS: https://www.youtube.com/watch?v=ultT1B-nwRc]

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.