PatrolPH

Higit P3-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela; high-value target tiklo

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2021 06:41 AM | Updated as of Oct 29 2021 06:55 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nasa P3.4 milyong halaga ng umano'y shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa PDEA-NCR, isang 27-anyos na residente mula sa Tondo, Maynila ang inaresto sa naturang operasyon.

High-value target umano ng ahensiya ang suspek dahil nagbabagsak siya ng ilegal na droga sa Maynila at Camanava.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuli. — Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.