PatrolPH

DPWH employee, 5 iba pa timbog sa droga sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2021 10:55 PM

Anim ang timbog sa drug raid sa isang bahay sa Legazpi City, Albay nitong Huwebes ng hapon.

Nakuha mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may halagang P102,000. 

Karamihan umano sa mga naaresto ay jeepney driver habang ang isa sa kanila ay empleyado ng Department of Public Works and Highways.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Bicol, naaktuhang umanong gumagamit ng naturang droga ang mga suspek sa bahay na nagsisilbing drug den.

Naka-detine na ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

— Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.